GMA Logo Aiai delas Alas
Photo by: Screenshot from KALURKS!
What's on TV

Aiai Delas Alas, open bang ikasal muli?

By Aimee Anoc
Published September 14, 2026 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DILG: Martin Romualdez in QC Jail around midnight
What We Know So Far, Matan-aw na | Balitang Bisdak
Philippine Travel Mart showcases the best of the country

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas


Aiai Delas Alas, may payo sa bagong bride: “Girl, mag-ingat ka. Baka mamaya magaya ka sa akin.”

Nag-trending noong nakaraang linggo ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas matapos lumabas ang balita tungkol sa muling pagpapakasal ng kanyang dating asawa na si Gerald Sibayan.

Sa pakikipag-chismisan sa Kalurker na sina DJ Jhai Ho at Ashley Rivera sa 'KALURKS!' noong Linggo (September 13), sinagot ni Aiai ang tanong kung open pa rin ba siyang ikasal ulit.

Natatawang sagot ng aktres, "Mag-iipon muna ako..."

"In God's time," dagdag niya.

Dahil alam naman ng lahat na isa siyang survivor pagdating sa pag-ibig, ano kaya ang maipapayo ni Aiai sa mga kababaihan tungkol sa love at relationship?

"Siguro ang maipapayo ko lang sa kanila doon sa mga girls, mahirap kasi magpayo kasi hindi naman natin alam kung anu-ano ang mga kapalaran natin, magpayo man ako tapos hindi naman talaga... swerte ka talaga sa pag-ibig, may swerte, may hindi.

"Kasi naniniwala ako na ang pag-aasawa swertehan 'yan. Pero ang masasabi ko lang talaga, buti na lang dito sa pangyayari na 'to na nag-trend, buti na lang hindi niya ako kinuhang ninang. Kasi 'pag ninang ka, 'di ba bawal kang tumanggi. So, kung bawal kang tumanggi ako na 'yung magiging second na magulang nila.

"So, syempre, 'pag second na magulang ako, bibigyan ko ng payo 'yung girl. Sasabihin ko sa kanya, 'Girl, mag-ingat ka. Baka mamaya magaya ka sa akin. Malay mo 10 years from now, 5 years from now, two years from now, magiging ang tanging ina ka rin," sabi niya.

Nang tanungin kung may nagpapasaya na ba sa kanya ngayon, sagot ni Aiai, "Wala. Self-love. Hyrox."

Samantala, abangan ang 'KALURKS!' tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.

Maging updated sa 'KALURKS!' Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.

Panoorin ang unang episode ng KALURKS! dito:

RELATED CONTENT: Meet the Kalurker trio of GTV's newest talk show 'KALURKS!'