GMA Logo Aiai delas Alas
Celebrity Life

Aiai delas Alas, pinaghahandaan na ang pagpunta sa Amerika

By Dianne Mariano
Published September 1, 2021 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas


“Medyo matagal ako sa America. Mamimiss ko kayo pero mayroon naman virtual virtual show, so doon nalang po tayo magkita-kita,” pagbahagi ni Aiai delas Alas.

Ibinahagi ni Kapuso Comedy Queen Aiai delas Alas na naghahanda siya para sa paglipad patungong Amerika, kung saan doon muna ito maninirahan.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago ng 24 Oras, tatapusin muna ng aktres ang nalalapit na season 4 ng The Clash bago umalis ng bansa at ito'y plano rin daw talaga nila ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Kuwento ng aktres, “Kasi pinetition ko yung husband ko, so kailangan ko siyang hintayin. 'Yong petition paper niya na nadoon ako.”

“And kasi, siguro yung iba hindi rin nakakaalam na green card holder kasi ako. So talagang dapat doon ako talaga nakatira.”

Inihahanda na din ng actress-comedienne ang kanyang sarili dahil matatagalan daw ito sa Amerika.

Aniya, “Medyo matagal ako sa America. Mamimiss ko kayo pero mayroon naman mga virtual virtual show, so doon nalang po tayo magkikita-kita.”

Kahit malayo man ito sa Pilipinas, tatanggap pa rin daw si Aiai ng mga trabaho.

“Tinoka ko na sa GMA Pinoy TV na nandoon ako, doon ako nakatira kaya game lang.

“Meron na rin akong kumbaga naka-planta na show maybe sa February, 'yong sa atin sa April and so on and so forth,” nakatutuwang pagbahagi ni Aiai.

Sa ngayon, pinaghahandaan muna ng Kapuso actress ang pagbabalik ng talent competition na The Clash Season 4.

“Excited na naman ako dyan. Excited na naman din ako kung ano ang mga iisipin kong mga comment para sa kanila.

“Excited na naman ako sa mga susuot ko at excited akong makita ang mga performances ng ating Season 4 contestants,” pagbahagi ni Aiai.

Noong Mayo, nagtungo si Aiai delas Alas at Gerald Sibayan sa U.S. para sa kanilang personal errands at para magbakuna laban sa COVID-19.

Samantala, tingnan sa mga larawang ito ang pandemic trip patungong U.S. nina Aiai delas Alas at Gerald Sibayan sa gallery na ito: