
Ibinahagi nina Kapuso stars Aiai delas Alas at James Teng ang kani-kanilang tribute para sa pumanaw na komedyanteng si Mahal sa social media kahapon, August 31.
Sa Instagram post ng Kapuso Comedy Queen, ipinost niya ng nakatutuwang video ni Mahal, kung saan kumakain ito ng tsokolate, at nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa yumaong kaibigan.
Sinulat niya sa caption, “Ma miss ka namin mahal (noemi).
“Kanina hindi pa nag sink in saken na wala ka na pero nung pinanood ko to ayan naiyak na ako..
“Kanina tulala ako na parang fake news ang dating saken.. Rest in peace mahal..nawalan ako ng isang barkada sa industriya. (kami ang dabarkads ako, mahal, jason, johnvic and joaquin).”
Nagkasama ang dalawang aktres sa romantic-comedy series ng GMA-7 na Owe My Love, kung saan kabilang din dito si Kapuso actress-comedienne Kiray Celis.
Samantala, ibinahagi rin ni StarStruck Season 6 alumnus James Teng ang kanyang tribute para sa pumanaw na komedyante sa kanyang Instagram account.
“RIP ate Mahal, isang karangalan na nakasama kita sa trabaho.
“Isa ka sa mga nagbigay kaligayahan sa tao at tumatak sa industriya.
“Maraming salamat sa mga ngiti Condolences to your family.”
Ibinalita kahapon (Agosto 31) na pumanaw na ang aktres at komedyante na si Noeme Tesorero, o mas kilala bilang Mahal sa industriya, sa edad na 46.
Kinumpirma ito ng kapatid ng aktres na si Irene Tesorero sa isang Facebook post.
Kamailan lamang din ay binisita ni Mahal ang dati niyang ka-love team at kapwa komedyante na si Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, sa Guinubatan, Albay.
Maliban kay Mahal, tignan ang iba pang komedyante na pumanaw na sa gallery na ito: