What's on TV

Aiai Delas Alas trades witty banter with Lani Misalucha, Christian Bautista in 'The Cash 2024': Sige na, mahaba na baba ko'

By Jansen Ramos
Published October 4, 2024 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

The clash panel


Tila nagkainitan sina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha nang nagkamali ng dinig si Aiai sa sinabi ni Lani habang nagbibigay ng komento sa performance ni Chloe Redondo sa 'The Clash 2024.'

Nagkulitan ang The Clash 2024 panel na binubuo nina Aiai Delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista sa episode ng GMA musical competition noong Sabado, September 28.

Ito ay matapos mamangha sila sa performance ng 22-year-old Clasher na si Chloe Redondo sa 'Round One: One on One' ng The Clash 2024.

Inawit ng Lagueno singer ang "Buwan" ni Juan Karlos na binigyan niya ng sarili niyang bersyon.

Hindi inakala ng judges na may malaking boses ang dalaga dahil balingkinitan ang pangangatawan nito.

Komento ni Aiai, "Ay para kang may amplifier, parang yung buong katawan mo amplifier kasi ang liit e."

Dagdag ng hurado, "E 'di ikaw na yan, ikaw na talaga yung magaling."

Bumilib naman si Lani kung paano minodulate ni Chloe ang kanyang boses.

Reaksyon ng Asia's Nightingale, "'Di ko alam kung anong pinabaon sa 'yo ng nanay mo, 'di ko alam kung gaano kadami kasi tingnan mo naman she's so petite."

Patuloy ni Lani, "Alam mo yun yung parag mag-uumpisa muna 'ko sa malumanay, kala mo yun na lang."

Sundot naman ni Aiai, "Saka sa mababa," sabay kanta ng intro ng "Buwan" sa pinakamababa niyang bass.

Sa puntong ito, tila nagkainitan sina Aiai at Lani nang nagkamali ng dinig si Aiai sa sinabi ni Lani.

"Baga mo, baga mo," ika ni Lani.

Hirit ni Aiai, "Akala ko, 'baba mo, baba mo'. Ano ba talaga, mare?"

Sundot naman ni Christian, "Yung key yung mababa."

Paliwanag ni Lani kay Aiai, "Una sa lahat, nanggaling sa 'yo yung word na 'ang baba.'"

Tugon naman ng Comedy Concert Queen, "Sige, lakasan mo pa."

Sambit ng "Bukas Na Lang Kita Mamahalin" hitmaker, "Kasi naman ang baba talaga ng tonong ginawa mo."

Pagtatapos ni Aiai sa kanilang biruan, "O e 'di okay, happy? Sige na, mahaba na baba ko, okay?"

Dahil nadala ang panel sa performance ni Chloe, wala nang ibang nasabi si judge Christian sa Clasher kundi "magaling ka."

Panoorin ang kanilang nakakaaliw na sagutan sa video sa itaas.

Mapapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA at online via Kapuso Stream. Available ang live streaming nito sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash 2024, at sa Facebook page ng GMA Network.

Ipinapalabas din ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.

Ang The Clash 2024 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

RELATED CONTENT: Sneak peek at the fun set of 'The Clash 2024'