
Proud na proud si Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa kaniyang asawang si Gerald Sibayan matapos itong magkaroon ng cameo appearance sa hit GMA primetime series na Onanay.
Tampok si Gerald sa serye noong Martes, January 14, bilang piloto ng private plane na lulan sina Helena (Cherie Gil) at Natalie (Kate Valdez).
Ikinatuwa ni Aiai ang pagiging instant celebrity ng kaniyang "darl" at ipinost pa sa Instagram ang ilang tagpo mula sa naturang episode.
Aniya, si Capt. Louie Concha ang kasama ni Gerald sa eksena na siyang aviation instructor nito sa tunay na buhay sa Asian Institute of Aviation (AIA).
"Ang asawa ko ayos ahhh artista na and yung instructor nya AIA @gerald_sibayan @louieconcha," ika ng Sunday PinaSaya star.
Unang sumabak si Gerald bilang aviation student sa AIA noong Agosto 2018.
WATCH: Aiai Delas Alas, magkakaroon ng asawang piloto