
Gusto man niyang may makasama sa pagtanda, pero ipinagpapasa-Diyos na ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang kanyang buhay pag-ibig.
Sa pinagdaanang tatlong failed marriages, umaasa pa kaya ang aktres na darating pa rin ang taong para sa kanya?
"I think, kung ano 'yung gusto ni God for me, iyon na 'yung susundin ko. Kasi parating sinusunod ko 'yung sarili ko. Kung ano 'yung gusto N'ya," sagot ni Aiai sa tanong na ito ni Toni Gonzaga sa Toni Talks.
Ayon kay Aiai, wala siyang naging pagsisisi sa kanyang past love dahil ginusto naman niya ito.
"Wala kasi ginusto ko 'yun e. Ginusto ko 'yun, and nagsama naman kami for so many years. So wala rin—only lessons to be learned."
Pagbabahagi ni Aiai na sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa pag-ibig, may magandang nangyari pa rin sa kanyang buhay, ito ay ang nagkaroon ng mabuting asawa ang kanyang anak.
"Siguro sa lahat ng pinagdaanan ko, ang good karma ko naman is ang asawa ng anak kong babae is napakabait, napakabait na son-in-law," sabi ni Aiai.
Noong Marso, inanunsyo ni Aiai na legal nang napawalang bisa ang kasal nila ng dating asawa na si Gerald Sibayan, ito ay matapos ang pitong taong pagsasama bilang mag-asawa.
Related content: IN PHOTOS: Aiai Delas Alas's career as a Kapuso through the years