What's Hot

Aicelle Santos, aminadong kinabahan at nahirapan sa pagbabalik sa 'Rak of Aegis'

By Al Kendrick Noguera
Published July 8, 2019 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit isa nang batikan sa teatro si Aicelle Santos at parte ng original cast ng 'Rak of Aegis,' hindi pa rin daw niya maiwasang kabahan at mahirapan sa opening show para sa 7th Season ng hit Pinoy musical.

Sa pagbubukas ng 7th season ng 'Rak of Aegis' noong Biyernes, July 5, isa si Aicelle Santos sa original cast members na nag-perform sa PETA Theater Center.

Aicelle Santos
Aicelle Santos

Matapos ang opening show, agad na nagpaunlak ng panayam si Aicelle sa press kasama ang mga beteranong theater actors na sina Robert Seña, Isay Alvarez, at Pepe Herrera.

Gumaganap bilang Aileen, inamin ni Aicelle na nakaramdam pa rin siya ng kaba sa kanyang performance.

"Tuwang-tuwa ako na nairaos ko. Hopefully nagawa ko naman nang maayos," panimula ni Aicelle.

Hindi kabilang si Aicelle sa 'Rak of Aegis' Season 6 dahil sa kanyang Miss Saigon World Tour kaya't nahirapan daw siya sa kanyang pagbabalik sa hit Pinoy musical.

Aicelle Santos comes back stronger for 'Rak of Aegis Season 7'

Aniya, "For the past weeks na nagti-TDR (technical dress rehearsal) kami, I've been talking to my director and my co-actors. Sabi ko, sa totoo lang medyo nahirapan akong hanapin ulit si Aileen, 'yung youthful na Aileen, 'yung dreaming, bago, at fresh.

"Siguro [dahil I'm] coming from [Miss] Saigon, 'yung role ko noon [iba], coming from 'Himala.'"

Aicelle Santos, ibinahagi ang magagandang nangyari sa kanyang buhay nang sumali sa 'Rak of Aegis'

Bukod pa sa previous roles na ginampanan niya, nasa ibang stage na raw ng buhay si Aicelle ngayon na malayo na kay Aileen. Paliwanag niya, "Mag-aasawa na [ako]. Ang hirap ulit hatakin pabalik sa bata."

Inaasahan daw ni Aicelle na hindi magiging madali ang kanyang pagganap kay Aileen kahit limang seasons na siyang nag-perform sa 'Rak of Aegis.'

"Sabi ko sa sarili ko, ah si Aileen madali, nagawa ko na. Hindi pala totoo 'yon.

"Kailangan mong mag-relearn, 'yon ang importante and start anew. Hindi ka puwedeng mag-rely sa muscle memory.

"Kaya constant searching itong bagong journey ni Aileen this 7th season. So hopefully, iba't ibang Aileen ang mawi-witness n'yo kapag nakita n'yo ako sa stage," pagtatapos ni Aicelle.