GMA Logo Aidan Veneracion and Princess
Photo by: GMA Network
What's on TV

Aidan Veneracion reveals preparation for his first drama role with autism in 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published May 31, 2023 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Aidan Veneracion and Princess


'I'm very excited, thankful, and grateful sa opportunity na ibinigay sa akin ng GMA.' - Aidan Veneracion

Challenging ang role na gagampanan ng Sparkle teen actor na si Aidan Veneracion sa murder mystery drama na Royal Blood.

Ang Royal Blood ang unang serye ni Aidan sa GMA kung saan makikilala siya bilang Archie Royales, anak ng mag-asawang Kristoff at Diana, na gagampanan ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young.

Nagpapasalamat ang aktor sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA na mapasama sa cast ng Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"Ito po 'yung kauna-unahan kong soap dito sa GMA. I'm very excited, thankful, and grateful sa opportunity na ibinigay sa akin," sabi ni Aidan sa GMANetwork.com.

Ikinuwento rin ni Aidan kung paano napunta sa kanya ang role ni Archie na mayroong autism spectrum disorder (ASD).

"To be honest, fun fact, noong audition namin, hindi talaga ako mag-o-audition for the role of Archie. Hindi talaga ako naka-assign doon pero that day parang pina-audition po kaming lahat na mga boys sa lahat ng roles na possible sa mga lalaki.

"Noong audition po talagang nagulat po ako kasi hindi po ako nakapag-prepare for that role na mayroong autism spectrum disorder (ASD) kaya ayon nag-research ako.

"Tinulungan din ako ng [production] kung ano 'yung specific na character na gusto nila and with the help of our acting coach din and Sparkle [GMA Artist Center], tinulungan nila akong makapag-prepare for this character," pagbabahagi ng aktor.

Ilan pa sa star-studded cast na makakasama ni Archie sa Royal Blood ay sina Tirso Cruz III, Dion Ignacio, Rhian Ramos, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Benjie Paras, at Arthur Solinap.

Abangan si Archie sa Royal Blood ngayong Hunyo sa GMA Telebabad.

MAS KILALANIN SI AIDAN VENERACION SA GALLERY NA ITO: