GMA Logo Dingdong Dantes
Photo by: GMA Network
What's on TV

Dingdong Dantes's first impression on 'Royal Blood': 'Exciting ito and nakakatakot'

By Aimee Anoc
Published May 31, 2023 2:00 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Ngayong Hunyo, mapapanood na ang murder mystery drama na 'Royal Blood,' na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood sa isang murder mystery drama si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Pagbibidahan ng aktor ang pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood, na aabangan ngayong Hunyo sa primetime.

Sa action-packed family drama, makikilala si Dingdong bilang Napoy, illegitimate son ng isang business tycoon at isang mapagmahal na single father na nagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging pangunahing suspek siya sa pagkamatay ng ama.

Sa interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ng aktor ang first impression niya nang ialok sa kanya ang Royal Blood.

"First impression ay 'Uy! Bago ito, especially sa local television setting. Exciting ito and nakakatakot. Hindi dahil nakakatakot 'yung materyal pero nakakatakot siyang gampanan, which is good kasi kapag nararamdaman ko 'yung ganoong takot sa kahit anong roles... gusto ko siya, gusto ko 'yung ganoong pakiramdam."

Para kay Dingdong, naiiba ang Royal Blood sa mga nauna niyang serye dahil sa kakaibang konsepto nito, isang suspense drama, at hindi niya pa nagagawa.

"Ang 'Royal Blood' kasi ay kuwento ng magkakapatid, iba-iba talaga 'yung motibo nila sa buhay. Binubuo sila ng colorful and strong characters. Kaya isang challenge talaga na maging distinct, kumbaga, kailangang markadong-markado 'yung character ni Napoy at 'yung gusto niyang mangyari. Si Napoy kasi siya 'yung anak sa labas, siya 'yung hindi tanggap ng mga kapatid kaya challenge sa kanya kung paano niya gawing acceptable 'yung sarili niya sa pamilya [at] lipunan."

Kasama ni Dingdong sa star-studded na cast sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos. Ipinakikilala si Rabiya Mateo kasama sina Benjie Paras, at Arthur Solinap. Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales.

Isang reunion ito para sa aktor dahil karamihan sa cast nito ay nakasama na niya sa mga naunang proyekto.

"'Yung cast karamihan sa kanila nakasama ko na in other projects so I consider this a reunion. Kumbaga, 'yung mga projects na memorable at mahalaga sa akin ay naaalala ko because 'yung kasama ko roon ay kasama ko rin dito. Ang dami, magmula noong nagsimula ako 20 plus years ago. I'm happy to be working with them again."

Abangan ang Royal Blood ngayong Hunyo sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: