GMA Logo Aiko Melendez at Candy Pangilinan in Family Feud
What's on TV

Aiko Melendez at Candy Pangilinan, may 'feud' na naman!

By Maine Aquino
Published July 22, 2025 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kalabaw, natagpuang patay na nakabigti sa puno sa Aklan
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez at Candy Pangilinan in Family Feud


Saksihan ang survey showdown ng celebrity BFFs na sina Aiko Melendez at Candy Pangilinan sa 'Family Feud' ngayong July 22.

Ang celebrity best friends na sina Aiko Melendez at Candy Pangilinan ang sasabak sa exciting family face-off ng Family Feud.

Kamakailan ay pinag-usapan ang pagbabati ng magkaibigang Aiko at Candy matapos ang dalawang taong hindi pagkikibuan.

Sa muling pagkikita ng dalawa sa Family Feud, masayang nagkuwento si Candy kung paano sila unang nagkakilala ni Aiko sa UP. May tarayan daw na naganap. Panoorin ang episode para sa buong kuwento.

Ngayong July 22, mapapanood ang husay sa pagsagot ng survey question ng award-winning actress na si Aiko at talented comedian na si Candy.

Ang Quezon City Councilor na si Aiko ang leader ng Team Ohana. Makakasama niya sa exciting episode ng Family Feud ang kaniyang partner na si Zambales Representative Jay Khonghun, at ang maganda at guwapong mga anak ni Aiko na sina Marthena Jickain at Andre Yllana.



Mula naman sa Team Pangilinan-Mendoza magiging leader si Candy. Kasama niya sa pagsagot sa Family Feud ang kaniyang brother-in-law na si Parrish Mendoza, at ang mga pamangkin na sina Holli Mendoza at Franz Mendoza.

Saksihan ang survey showdown, fun banters, at heartfelt stories sa magandang pagkakaibigan nina Aiko at Candy sa Family Feud ngayong July 22!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.