GMA Logo Aiko Melendez at Candy Pangilinan
What's on TV

Aiko Melendez at Candy Pangilinan, noong isang taon pa nagkaayos

By Kristian Eric Javier
Published June 9, 2025 9:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez at Candy Pangilinan


Aiko Melendez sa nangyaring hidwaan nila ni Candy Pangilinan: 'Hindi na pinag-usapan kung ano'ng ugat.”

Nagkabati na sa wakas ang magkaibigan at kapwa aktres na sina Aiko Melendez at Candy Pangilinan. Sa katunayan, may isang taon na rin simulang nagkaayos ang magkaibigan.

“Actually, alam mo, Tito-ninong, matagal na kaming okay, one year. We just opted to keep it quiet lang,” pagbabahagi ni Aiko nitong lunes, June 9, sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon pa sa actress-politician, napagtanto nila ni Candy na panahon na para ipaalam nila sa mga tao na okay na ang lahat sa kanila, na wala nang animosity sa pagitan nilang dalawa. Ang nakatulong umano sa kanilang pagkakaayos, ang ang kaibigan na si Gelli de Belen.

Pag-alala ni Aiko, “It happened in San Juan, and we were both there. And then, hindi pa kami nagkikita, first time namin ni Candy magkita du'n and then we were expecting na parang drama, 'yung iyakan, but when I saw her, I just said 'Hi!' Parang walang nangyari, Tito-ninong, hindi na pinag-usapan kung ano'ng ugat.”

Ngunit paglilinaw ni Aiko, naging masakit din para sa kaniya ang iringan na iyon nila ni Candy dahil mahal niya ang kaibigan. Sa katunayan, pakiramdam umano ng aktres na napag-iwanan siya ng mga kaibigang sina Candy, Gelli, at Janice de Belen.

BALIKAN ANG PAGKAKAIBIGAN NINA AIKO, CANDY, GELLI, AT CARMINA VILLAROEL SA GALLERY NA ITO:

“We call our group The Power Four tapos parang na-left out ako when they did the movie 'Roadtrip' 'di ba? Supposedly or originally, I was part of that movie pero watching it, sabi ko, 'Ay, parang ako 'yung naiwan,'” sabi ng aktres.

Nang mapansin ng mga tao na wala siya sa naturang pelikula, tinag siya ng mga ito sa social media posts at pilit inaalam kung ano ba talaga ang naging mitsa ng kanilang hidwaan.

“So just to put an end to it, nagsalita na kami, okay na kami,” sabi ni Aiko.

Sinang-ayunan din niya ang sinabi ni King of Talk Boy Abunda na hindi naman na kailangan pang balikan kung ano ang dahilan ng hidwaan. Ang importante, nagkaayos sila at nagkapatawaran.

Una nang naibahagi nina Aiko at Candy ang kanilang pag-aayos nang maging guest ang huli sa vlog ng naturang actress-politician. Dito, inamin ng dalawang magkaibigan na hindi na nga nila maalala kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan.