GMA Logo Wendell Ramos at Aiko Melendez
What's Hot

Aiko Melendez at Wendell Ramos, bakit hindi nali-link sa isa't isa kahit dati?

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 21, 2020 8:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sto. NiƱo images blessed at Tondo Church during feast day
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Wendell Ramos at Aiko Melendez


Matagal nang magkaibigan sina Aiko Melendez at Wendell Ramos kaya naman maituturing nila ang isa't isa bilang 'lucky charm.' Bakit kaya?

Matagal nang magkakilala sina Aiko Melendez at Wendell Ramos pero kahit kailan ay hindi sila na-link sa isa't isa.

Kuwento nina Aiko at Wendell, bata pa lamang sila ay naging magkaibigan na sila dahil sa kanilang manager noon, ang namayapang si Douglas Quijano.

Saad ni Aiko sa kanyang vlog, “Tinatanong [ng netizens] kung bakit daw hindi tayo nali-link kasi, bigyan natin sila ng background.

“Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Wendell, mga bata pa lang tayo, 'di ba?”

Dagdag ni Wendell, “Yes, tsaka nung una ko pa lang pagpasok sa industriya natin, sa showbiz, ang una ko pong kaibigan na artistang babae talaga, at kumausap sa akin kahit pagkatapos noon kumuha niya ng award, naalala mo 'yun?

“Aiko Melendez ka na nun, e.”

Sagot naman ni Aiko, “Grabe naman 'to, makasing-edad lang tayo halos.”

Taong 1975 ipinanganak si Aiko samantalang 1978 naman si Wendell.

Kuwento pa ni Wendell, “Pero Aiko Melendez ka na nun, nandoon ka sa level na 'yun.”

Sagot naman ni Aiko, “Tsaka pareho tayo ng manager noon, si Tito Douglas Quijano.”

Dagdag ni Wendell, “Kaya nga kahit walang kumakausap sa akin, ikaw 'yung unang-unang kumausap sa akin.

“That's why hindi ko makakalimutan 'yon.”

Aiko Melendez and Wendell Ramos

Muling nagkasama sina Aiko Melendez at Wendell Ramos sa 'Prima Donnas' kung saan ginagampanan nila sina Kendra at Jaime. / Source: aikomelendez (IG)

Sa tagal nilang magkaibigan, maraming beses na rin nagsama sina Aiko at Wendell sa ilang teleserye tulad ng Prima Donnas kaya naman tinuturing nila ang isa't isa bilang "lucky charm" dahil umaabot ng taon ang mga programang pinagsamahan nila.

Saad ni Aiko, “At saka hindi nila alam na pareho nating lucky charm ang isa't isa.

“Laging 'pag nagsasama kami ni Wendell, sobrang tumatagal 'yung mga shows.”

Nagkasama sina Aiko at Wendell sa gag show ng GMA na Bubble Gang mula noong 1995 hanggang 1998, at Kapamilya teleserye na Wildflower mula 2017 hanggang 2018.

Dahil matagal nang magkaibigan ang dalawa, game na game si Wendell na sagutin ang mga tanong ni Aiko kung "jojowain o totropahin" niya ba ang ilang celebrities tulad nina Solenn Heussaff, Ivana Alawi, at Sheryl Cruz.

Ano kaya ang sagot ni Wendell? Panoorin ang nakakatuwang 'jojowain o totropahin' challenge nina Aiko at Wendell:

Katrina Halili, pinaiyak nina Wendell Ramos at Aiko Melendez sa kanyang vlog

Wendell Ramos asks Katrina Halili, "Kung sakaling wala akong asawa, is there any chance na maging tayo?"