
Isang birthday dinner ang inihanda ng celebrity mom na si Aiko Melendez para sa kanyang panganay na anak na si Andre Yllana noong Huwebes, September 7.
Sa Instagram, ibinahagi ni Aiko ang masayang selebrasyon nila ng kaarawan ni Andre, kasama ang isa pa niyang anak na si Marthena Jickain, at ang kanyang boyfriend na si Congressman Jay Khonghun.
KILALANIN SI ANDRE YLLANA SA GALLERY NA ITO:
“Family dinner for @andreyllana 's Birthday!!!! Complete this time,” caption ni Aiko sa kanyang post.
Sa hiwalay na post, isang sweet birthday message naman ang ibinahagi ni Aiko para kay Andre.
“Happy Birthday son @andreyllana. Here's to the best son a family could ask for! Keep on shining for Jesus! I know your time to shine will come in God's perfect time,” ani Aiko.
Dagdag pa niya, “You hardly gave me a headache considering what you went through with not having a complete family. But please know Mama is trying her best to be the best mom you could pray for.
“Someday just someday we will have a complete family! I love you so much! I take pride in being your mother!”
Si Andre ay anak ni Aiko sa aktor na si Jomari Yllana. Siya ay may kapatid na si Marthena, na anak naman ni Aiko sa dating asawa na si Martin Jickain.