GMA Logo Mark Leviste and Aira Lopez
Source: airalopezvlogs/FB
Celebrity Life

Aira Lopez, sinagot na ang manliligaw na si Mark Leviste

By Kristian Eric Javier
Published January 26, 2025 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Leviste and Aira Lopez


Mark Leviste patungkol kay Aira Lopez: 'She said yes!'

Opisyal nang sinagot ni Status by Sparkle artist Aira Lopez si Batangas City Vice Governor Mark Leviste matapos ang limang buwan na pakikipag-date sa isa't isa.

Sa Tiktok at Facebook, ibinahagi ni Aira ang ilang clips ng kanilang huling date kung saan tinanong ni Mark kung maaari ba niyang maging girlfriend si Aira habang nagde-dessert.

Nakangiti naman binigay ni Aira ang matamis niyang oo. Kasunod nito ay ang plato ng dessert ni Mark kung saan nakasaad, “She said 'yes!'”

Sa dulo ng video ay nag-iwan si Aira ng mensahe para sa kaniyang boyfriend na ngayon.

“Thank you, Mark, for filling my heart with joy. Despite our 20-year age gap, your bright outlook in life, compassion, and genuine commitment have given me a love I've never experienced. Age doesn't define us; happiness does, and I pray for God's blessing as we journey forward together.,” sulat ni Aira.

Pagtatapos niya, “No matter what others say, I am proud of you.”

Caption ni Aira sa kaniyang post, “Unexpected love.”

BALIKAN ANG ILLENIAL CELEBS NA NAKAPAGPAKASAL SA GOVERNMENT OFFICIALS SA GALLERY NA ITO:

Si Aira ang isa mga miyembro ng Status by Sparkle, ang grupo ng content creators ng Sparkle ng GMA Network. Bukod sa pagiging isang content creator, isa rin siyang triathlete at nag-compete at nanalo na sa ilang kompetisyon.

Samantala, si Mark naman ay ang Vice Governor ng Batangas na dating nakarelasyon ni Queen of All Media Kris Aquino. November noong 2023 nang ianunsyo ng actress-TV host ang hiwalayan nila.