
Patuloy na kinagiliwan ng fans ang trending singing video ni Aljur Abrenica, na marami ng naging memes sa social media.
Sa Fast Talk With Boy Abunda noong Miyerkules, November 12, nag-react si AJ Raval sa patok na singing videos ni Aljur.
“Hindi po namin in-expect na ganon po siya tatanggapin ng mga tao na parang ang saya-saya nila sa video ni Aljur,” sabi ni AJ.
Ibinahagi ni AJ na talagang pinaghandaan at pinagpaguran ni Aljur ang kanyang nag-trending na song cover ng “Past Lives”, at inumaga pa sila sa kanilang rehearsal.
Naitanong naman ni Boy Abunda kay AJ ang reaksyon ni Aljur sa mga natatangap niyang komento galing sa netizens.
“Wala, Tito Boy, tawa siya nang tawa. E, pagdating naman po sa mga bashing, wala din naman pong feelings 'yun para sa kanya,” pahayag niya.
Sa patuloy na pagba-viral ng singing videos ni Aljur, maraming netizens ang nag-request ng collaboration nila ni Tom Rodriguez, na isa ring nagbabahagi ng kanyang singing videos sa social media.
“Actually, gusto po nila. Naririnig ko po parang, Sir Tom [Rodriguez], Ms. Arci Muñoz, and Aljur po,” aniya.
Samantala, sa parehong panayam ay emosyonal na ibinahagi ni AJ na mayroon na siyang limang anak. Ipinaliwanag niya na mayroon silang tatlong anak ni Aljur na sina Aikena, Junior, at Abraham.
Nilinaw din ni AJ na maganda ang relasyon ng kaniyang mga anak sa mga anak ni Aljur at Kapuso star Kylie Padilla, na sina Alas at Axl.
“Okay po sila, naglalaro po sila lagi, and then 'yung panganay ni Aljur, si Alas, very responsible sa mga bunso,” sabi ni AJ.
Samantala, alamin ang love story nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa gallery na ito: