Fast Talk with Boy Abunda

AJ Raval confirms kids with Aljur Abrenica; admits: 'I have five kids'

GMA Logo Celebrity millennial moms
Source: ajravsss/IG

Photo Inside Page


Photos

Celebrity millennial moms



Ginulat ng aktres na si AJ Raval ang publiko nang aminin niya ang katotohanan tungkol sa bali-balitang may anak na sila ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Sa pagbisita ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 12, deretsahan siyang tinanong ni King of Talk Boy Abunda tungkol dito, “AJ, ang aking katanungan: kayo ba ni Aljur Abrenica ay may dalawa nang anak?”

Sagot ni AJ, “Actually, Tito Boy, lima na po. I have five kids.”

Paglilinaw ni AJ, nagkaroon siya ng isang anak na babae, si Ariana, na seven years old na ngayon; at isang lalaki, si Aaron, na sa kasamaang palad ay pumanaw na, ayon sa aktres. Samantala, meron naman silang tatlong anak ni Aljur, sina Aikena, Junior, at Abraham.

Tinanong din ng batikang host kung bakit ibinabahagi ito ngayon ni AJ, at ang sagot ng aktres, “Gusto ko na po matapos and gusto ko na po magkaroon ng freedom 'yung mga kids.”

Sinang-ayunan din niya si Boy na ayaw na niyang magtago pa, at nilinaw na pinag-isipan niya ng mabuti ang kaniyang desisyon.

Ibinahagi rin ni AJ na maganda ang relasyon ng kaniyang mga anak sa mga anak ni Aljur kay Kylie Padilla, na sina Alas at Axl.

“Okay po sila, naglalaro po sila lagi, and then 'yung panganay ni Aljur, si Alas, very responsible sa mga bunso,” sabi ni AJ.

Nahirapan man si AJ bilang isang young mother, naging malaking tulong naman ang kaniyang pamilya para suportahan siya, at kinaya ang pagiging isang ina.

Matatandaan na sa isang press conference ay naibahagi ng ama ni AJ na si Jeric Raval na meron nang dalawang anak si AJ at Aljur. Sa panayam niya sa September 30 episode ng parehong GMA Afternoon Prime talk show, inamin niyang nadulas lang siya noon.

“Actually, nadulas lang ako noon, e. Doon sa presscon namin, mayroon akong kausap dito. Na-overwhelm lang ako. Parang normal lang na kwentuhan,” pagbabahagi ni Jeric.

Saad pa ng beteranong aktor ay hindi na niya binawi pa ang sinabi dahil ayaw naman niyang magmukha siyang sinungaling.

KILALANIN ANG BEAUTIFUL MILLENNIAL CELEBRITY MOMS SA GALLERY NA ITO:


Marian Rivera
Max Collins
Jennylyn Mercado
Camille Prats
Angelica Panganiban
Iya Villania
Solenn Heussaff
Sarah Lahbati
Andi Eigenmann
Saab Magalona
Katrina Halili
Sheena Halili
Michelle Madrigal
Nadine Samonte
Cristine Reyes
Kristine Hermosa
Anne Curtis
Iza Calzado
Kylie Padilla
Rita Daniela
Roxanne Barcelo
Joyce Ching

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt