
Kamakailan ay ginulat ng aktres na si AJ Raval ang publiko nang linawin nito ang usap-usapang may anak na sila ni Aljur Abrenica.
Sa pagpapatuloy ng kanyang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda, masayang ibinahagi ni AJ na ang bunso nilang si Abraham ay dalawang buwang gulang pa lang.
Natuwa ang young mom nang isilang niya si Abraham sa mismong kaarawan niya noong September 3.
“Actually, Tito Boy, ka-birthday ko po siya,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, “Blessing po talaga, gift po talaga sa akin 'yun.”
Ibinahagi rin ni AJ na mayroon na siyang dalawang anak bago pa man sila nagkaroon ng anak ni Aljur. Nilinaw ng aktres na ang panganay niya ay si Ariana, na ngayon ay pitong taong gulang na, at ang isa ay ang anak niyang lalaki na si Aaron, na pumanaw na.
Samantala, ang tatlong anak naman nila ni Aljur ay sina Aikena, Junior, at Abraham.
Masayang ikinuwento ni AJ ang kanyang pagpapasalamat kay Aljur dahil napakaganda ng relasyon nito sa panganay niyang si Ariana.
“Sobrang ganda po ng dynamics nila. Si Aljur, madami po siyang natuturo kay Yana (Ariana), nickname niya. 'Yung pong batang 'yun, hindi po siya malaro puro lang po siya nakadikit sa akin, hindi po siya malikot,” sabi ni AJ.
Ngunit ngayon, ibinahagi ni AJ na naturuan ni Aljur si Ariana kung paano maging atleta.
“Ganda po ng dynamics,” aniya.
Samantala, alamin dito ang love story nina AJ Raval at Aljur Abrenica: