GMA Logo AJ Raval
Source: ajravsss (IG)
What's on TV

AJ Raval, sobrang nasaktan nang matawag na 'kabit'

By Kristian Eric Javier
Published November 14, 2025 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

AJ Raval


Masakit para kay AJ Raval ang masabihan na "kabit" kahit na wala naman itong katotohanan.

Hindi naging madali para kay AJ Raval ang aminin noon ang relasyon ng boyfriend na niya ngayon na si Aljur Abrenica lalo na noong akusahan siyang kabit ng nakararami. Ngunit paglilinaw ng aktres, walang katotohanan ang mga akusasyon ng netizens sa kanya.

Matatandaang ikinasal si Aljur kay Kapuso actress Kylie Padilla noong 2018, at naghiwalay noong 2021. Samantala, nagsimula namang mag-date ang aktor at si AJ noong 2022.

Sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang ama na si Jeric Raval, iginiit ni AJ na hindi siya naging kabit, at ipinahayag kung gaano siya nasaktan na mabansagan nito.

“Masakit po 'yun para sa'kin. Parang tinatanong ko po 'yung sarili ko na 'Bakit po ako 'yung nagsa-suffer sa kasalanan na hindi ko naman ginawa?'” sabi ni AJ.

“Naisip ko, Tito Boy, hindi naman sa akin umiikot 'yung mundo. So ba't ako magpapaapekto? Kaya deadma na lang,” pagpapatuloy ng aktres.

Iginiit din ni AJ na hindi siya naging kabit dahil noong pinupuntahan siya ni Aljur sa Pampanga at nililigawan ay hiwalay na ang aktor at dati nitong asawa.

ALAMIN ANG SIMULA NG LOVE STORY NINA AJ AT ALJUR SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi ni Jeric, iyon ang isa sa mga bagay na tinanong niya kay Aljur noong puntahan siya nito sa opIsina ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para kausapin.

“Isa rin 'yun sa tinanong ko nu'ng nagkita kami. 'Yun ang una kong tinanong sa kanya. 'Hiwalay ka ba?' 'Hiwalay po, hindi na kami nagsasama,'” sabi ni Jeric.

Nilinaw din ni AJ na hindi niya gagawin ang makipagrelasyon kay Aljur kung alam niyang may kinakasama itong iba.

“Hindi ko po gagawin 'yun kung may kinakasama po si Aljur. Hindi po talaga. Napagbintangan lang ako,” sabi ni AJ.

Ngayong nasabi na sa wakas ni AJ ang tungkol sa mga anak nila ni Aljur, aminado ang aktres na sobrang excited siyang lumabas at gumala kasama ang mga anak ng walang pangamba at takot.

“Actually sobrang excited ko po ngayon, parang may mga plans na 'ko, lalo na po ngayon, magki-Christmas na. Ang dami pong park ngayong magki-Christmas, 'di ba? Kinalakihan ko po kasi 'yun, lagi po kaming dinadala sa park nu'ng bata, so gusto ko pong ipa-experience sa mga kids,” sabi ni AJ.