What's Hot

Aksyon at world-class visual effects, abangan sa 'Agimat ng Agila'

By Dianara Alegre
Published April 30, 2021 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

bong revilla


Abangan ang natatanging pagganap ng mga bigating bituin sa 'Agimat ng Agila' ngayong Sabado, May 1, 7:15 p.m. sa GMA.

Hindi lang ang star-studded cast ng bagong Kapuso series na Agimat ng Agila ang dapat abangan ng viewers dahil punung-puno rin ito ng aksyon at world class visual effects.

Ang Agimat ng Agila ay pagbibidahan ito ni Ramon “Bong” Revilla Jr. kasama sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Edgar Allan Guzman, Miggs Cuaderno, Ian Ignacio, King Gutierrez, Jhong Cuenca, Mike Lloren, at natatanging pagganap ni Sheryl Cruz.

Kabilang din sa cast sina Althea Ablan, Dentrix Ponce, Yuan Francisco, at Seth Dela Cruz.

Ang Agimat ng Agila ay tungkol kay Major Gabriel Labrador (Bong Revilla), ang pinuno ng Task Force Kalikasan na napagbintangang may may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang pamilya at napiling tagapag-ingat ng Agimat ng Agila.

Ramon Bong Revilla Jr

Ayon kay Bong, action-packed ang series at pang world class ang visual effects na mapanonood dito.

“'Mahaba 'yung time nila sa paggawa nila ng effects.

"Sa mga bata o matanda man matatanggap nila at makikita nila na ito, 'yung hinahanap namin sa pelikula sa panahon ngayon.

“Kumbaga world class visual effects with heavy action scenes,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Sinegundahan naman ito ng direktor ng serye na si Rico Gutierrez, “Hindi lang nakaka-fight ng bullets, pwede siyang lumipad din na parang isang agila.

"I think 'yung transformation na 'yon, habang tumatakbo papunta dun sa agila, I think it really worked well.”

Samantala, gaganap bilang si Maya Lagman si Sanya bilang katambal ng action star at dahil ngayon lamang siya sumabak sa maaksyong proyekto.

Ayon sa aktres, marami siyang natutunan kay Bong pagdating sa paggawa ng fight scenes.

Sanya Lopez

“First time ko po makakasama sa action si Senator Bong.

"Totoo po 'yung sinasabi ni Direk Rico na talagang hands-on si Sen kasi, even sa fight scenes ko, siya 'yung nagga-guide sakin,” aniya.

Nagpapasalamat naman ang iba pang mga bigating artistang bahagi ng serye dahil sa oportunidad na makagawa ng ganitong proyekto.

Kwento pa nila, sobra silang nag-enjoy sa lock-in taping para rito.

“'Yung mismong cast talaga nakaka-miss, si Direk, lahat ng staff. Thank you so much. Bihira 'yun mangyari sa isang ensemble, sa isang grupo,” lahad ng veteran actor na si Roi.

Roi Vinzon

Dagdag pa ni Allen, “Working with the professional like si Sen. and sa mga kasama sa cast parang… 'yun nga sabi ni Sanya kaming nagtatrabaho na isang buong pamilya.”

Allen Dizon

Sabi naman ni Michelle, “It's actually a really, really fun time for everyone and for me most especially kasi it was such a good learning opportunity po."

Michelle Dee

Mapanonood na ang Agimat ng Agila ngayong Sabado, May 1, 7:15 p.m. sa GMA.