
Cool na cool ang aktres kapag pinag-uusapan ang intimate scenes nila ng kanyang love team partner, na pitong taon ang agwat ng edad sa kanya.
Galing sila sa isang successful soap opera na panghapon kaya na-extend pa ang kanilang tambalan sa big screen.
Aminado naman ang kaeksena niyang aktor na nangangapa pa siya noong una sa tuwing meron silang kissing scene ng aktres.
Aniya, umaabot sa dalawang take kapag kinukunan ang kanilang kissing scene noong una dahil nanginginig siya sa kaba at nagmamadali sa eksena.
Buti na lang ay understanding ang kanyang co-star at sinabing naiintindihan niya kung pinaulit sa kanila ang eksena.
Pagpapakatotoo ng aktres, hindi naman daw mahirap kaeksena ang aktor kapag may intimate scene sila dahil sa kagwapuhan nito.
Kaya sa ikalawa nilang proyektong ginawa, mas komportable na raw sila sa isa't isa sa tuwing may mga ganitong eksena.
Ayon pa sa aktres, masarap katrabaho ang aktor dahil higit na mas bata ito kaysa sa kanya.
Sa palagay naman ang aktor, masarap katrabaho ang aktres dahil magaling itong umarte.
Supportive naman ang asawa ng aktres sa tambalan nila ng aktor.
At kung single man ang aktres ay may chance daw maging sila ng aktor.
Kilalanin kung sino ang aming tinutukoy sa video na ito.