
Hindi maikakaila na marami ang sumusubaybay sa GMA intense drama series na Akusada.
Hindi lang ito namamayagpag sa telebisyon kundi pati na rin online.
Sa latest update tungkol sa serye, inilahad na umabot na sa 309 million ang kabuuang views nito sa apat na social media platforms - Facebook, X, Instagram, at video-sharing application na TikTok.
Related gallery: At the set of Akusada
Bukod sa paghakot ng million views, patuloy ring bumubuhos ang positive comments ng viewers at netizens tungkol sa istorya ng palabas.
Ang Akusada ay pinagbibidahan ng Kapuso actress na Andrea Torres.
Kabilang din sa cast nito sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Jourdanne Baldonido, Shyr Valdez, Arnold Reyes, Jeniffer Maravilla, at iba pang aktor.
Huwag palampasin ang susunod na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.