
Magkasamang bumisita sa studio ng GMA morning show na Unang Hirit ang Akusada stars na sina Benjamin Alves at Lianne Valentin nitong June 17.
Sina Benjamin at Lianne ang latest special guests sa Unang Hirit Kitchen.
Masayang nakipagkumustahan at kuwentuhan ang Sparkle stars sa hosts ng programa na sina Shaira Diaz at Suzi Entrata-Abrera.
Bukod dito, game na game ding ipinagmalaki ni Lianne ang kanyang cooking skills sa pagluluto ng Seafood Bicol Express sa Unang Hirit kitchen.
Habang nagluluto si Lianne, si Ben naman ay nagkuwento tungkol sa istorya ng bago nilang proyekto.
Ano kaya ang role nila sa bagong serye ng GMA?
Sina Ben at Lianne ay mapapanood sa upcoming intense drama na Akusada kasama ang Kapuso actress na si Andrea Torres.
Abangan ang pagsisimula ng naturang serye sa darating na June 30.