What's Hot

Alamin: Buhay ng grupong 'BNT', isang taon matapos pumanaw si Lloyd Cadena

By Jimboy Napoles
Published September 17, 2021 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

bnt and lloyd cadena


Kumusta na kaya ang grupong BNT (Bakla ng Tao), isang taon matapos pumanaw si Lloyd Cadena? Alamin ang kwento ng Stories of Hope na ito dito:

Isa si Lloyd Cadena. o mas kilala bilang Queen LC. sa mga pioneer vlogger dito sa Pilipinas. Ang kaniyang mga nakaaaliw at good vibes content ang naging dahilan ng mabilis na pagdami ng kaniyang subscribers sa YouTube.

Source: Stories of Hope (YouTube)

Isinabay ni Lloyd sa kaniyang pagsikat ang grupo ng mga kabataan na pinangalanan niyang “Bakla ng Taon” o BNT. Kasama ni Lloyd ang BNT sa halos lahat ng kaniyang vlogs, kung saan nasubabaybayan ng follower ang kanilang masasayang samahan.

Source: Stories of Hope (YouTube)

Pero ang kanilang nabuong masayang pamilya ay biglang gumuho dahil sa biglaang pagpanaw ni Lloyd dahil sa COVID-19 noong September 4, 2020

“Totally huminto yung mundo, yung oras, bigla pong tumulo na yung luha ko, 'tapos sobrang hagulgol na po nun. Sobrang sakit po kasi hindi ko po akalain na ganun kabilis po 'tsaka kabigla po yung mangyayari kay Kuya Lloyd, hindi ko po inasahan, e," kwento ni Jessica Absalon, isa sa mga miyembro ng BNT.

Dagdag pa niya, malaki ang naitulong ng yumaong vlogger sa kanila. Mula sa pagiging batang kalye ay nabigyan daw sila ng oportunidad na ayusin ang sarili at makatulong din sa kanilang pamilya.

“Binago niya po kami, binigyan niya po ng tamang direksyon 'yung buhay namin.” madamdaming sinabi ni Jessica.

Source: Stories of Hope (YouTube)

Kung noon ay extra lamang sila sa mga vlogs ni Lloyd, ngayon ay may sarili na ring YouTube channel ang BNT na nasa mahigit isang milyon na ang subscribers.

Mula rin sa maliit na bahay, nakapagpundar na rin ngayon si Jessica at ang kaniyang kasintahan ng sariling bahay.

Source: Stories of Hope (YouTube)

“Kuya, kung nasaan ka man, sana masaya ka na diyan. Mahal na mahal ka po namin and miss na miss ka na po namin. And sana Kuya ngayon, proud ka po samin, and sakin po dahil po lahat po ng mga pangaral niyo po is talagang pinagpapatuloy po namin at tinutupad.

"Thank you, thank you so much po Kuya Lloyd sa lahat ng tulong niyo po sa amin and sa lahat ng ginawa niyo po para mabago po yung buhay namin at saka sa family po namin. Maraming maraming salamat po Kuya” mensahe ni Jessica para sa kanyang Kuya Lloyd.

Isang taon na ang nakalipas pero nananatili pa ring buhay ang mga aral at masayang ala-alang iniwan ni Lloyd sa BNT.

Balikan ang makulay na buhay ni Lloyd Cadena sa gallery na ito: