GMA Logo Alas Pilipinas athletes in Family Feud
What's on TV

Alas Pilipinas athletes at kickboxing champs, maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 19, 2025 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Alas Pilipinas athletes in Family Feud


Saksihan ang paghula ng top answers nina Eya Laure, Fifi Sharma, at iba pang Pinoy athletes ngayong Huwebes (June 19) sa 'Family Feud'!

Showdown ng mga atleta ang ating masasaksihan sa Family Feud!

Tampok ngayong June 19 ang elite athletes mula sa teams na The Sporting Royalty at Kickboxing Champs. Pero bago magsimula ang tapatan sa pinakamasayang family game show sa buong mundo na Family Feud, magpapakita muna ang ating national kickboxers ng kanilang world-class skills.

Mula sa team na The Sporting Royalty, maglalaro ang mga anak ng mga sports personalities. Mamumuno sa kanilang team si Eya Laure, ang outside hitter ng national voilleyball team na Alas Pilipinas. Si Eya ay dati ring team captain ng UST Golden Tigresses at mula sa highly athletic family. Ang kaniyang ama ay dating PBA player, kapatid naman niyang si EJ ay volleyball player, at ang kapatid na si Echo ay UST basketball player.

Makakasama ni Eya ang fellow second-generation athletes. Si Dani Ravena na isang libero ay naglalaro sa professional volleyball leagues. Kabilang din siya sa sports-minded clan; siya ay anak ni PBA star Bong Ravena at former volleyball player and coach na si Mozzy Ravena. Kapatid naman niya ang basketball superstars na sina Kiefer and Thirdy Ravena.

Kabilang din sa The Sporting Royalty si Fifi Sharma na middle blocker ng Alas Pilipinas. Siya naman ay anak ng former La Salle legend and PBA player na si Carlo Sharma. Kasama ni Fifi sa Family Feud ang kapatid niyang si Ram Sharma. Siya ay naglaro sa La Salle Greenhills Greenies sa NCAA juniors basketball league.


INSET:
https://drive.google.com/file/d/1lHZY_T-xamF6LfCLZ1IbIEFaKH0w7u7r/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1z5xEd89Z-Vdczdx3E4Mb5p7HWKLtkQ3M/view?usp=sharing
IAT: Filipino athletes in Family Feud


Hindi naman papahuli ang team ng Kickboxing Champs na kinabibilangan ng multi-bemedalled national athletes ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas. Tatayong leader ng kanilang team si Jovan Medallo mula sa Dalaguete, Cebu City. Siya ay nanalo ng seven international gold medals mula sa iba't ibang categories tulad ng Senior Male Weapon Creative and Musical Forms, Senior Male Openhand Musical and Creative Forms sa Asian Kickboxing Championship 2022 and 2024, at sa 1st Thailand Kickboxing World Cup 2025.

Maglalaro rin sa Kickboxing Champs ang kaniyang fellow champions. Si Janah Lavador mula Danao City, Cebu, na nakapag-uwi ng two golds and two bronzes sa 1st Thailand Kickboxing World Cup 2025 sa Bangkok; Lance Villamer mula Santa Rosa City, Laguna na nakakuha ng four bronzes sa point fighting competitions; at si Claudine Veloso mula Baguio City na nagwagi ng gold sa 52-kilogram category sa 32nd SEA Games sa Cambodia.

Magpapagalingan muna sa paghula ng top answers ang ating mga hinahangaang atleta kaya tutok na ngayong June 19 sa Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.