GMA Logo Albert Martinez
What's Hot

Albert Martinez, binalikan ang pagsisimula niya sa showbiz sa 'Tunay na Buhay'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 26, 2021 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Albert Martinez


Paano nga ba nagsimula ang showbiz journey ng beteranong aktor na si Albert Martinez?

Simula noong 1980s, tuloy-tuloy na napapanood sa telebisyon o sa sinehan ang aktor na si Albert Martinez.

Pero kuwento ni Albert sa 'Tunay Na Buhay,' aksidente lamang ang pagkakadiskubre sa kanya para maging artista. Simasamahan lang daw niya noon ang kanyang kapatid na si William Martinez, na naunang pumasok sa mundo ng showbiz.

Pagbabalik tanaw ni Albert, "Si William started sa Regal ng 1979, actually 78 siya nag-start tapos ako, 1980."

"What happened kasi, siguro during 1979, ako 'yung driver ni William 'pag may taping siya. Ako 'yung naglalamay, naghihintay, nag-aasikaso ng damit niya, parang alalay/driver.

"And na-diskubre naman ako nung isang talent agency to do a commercial. Pagkatapos noon, 'yung Regal naman ang nakakita sa akin so they offered me to be a part of a film.

"Ang first project ko nun was with Nora Aunor, Gabby Concepcion, ang title niya is 'Totoo Ba Ang Chismis?'

"Kami ni Ricky Davao, talent lang kami doon. Pamparami.

"From there, kinausap ako ni Mother Lily [Monteverde] and Direk Joey Gosiengfiao, binigyan ako ng break doon sa 'Blue Jeans,' that was 1980."

Ayon kay Albert, turning point ng kanyang kareer ay noong naging kontrabida siya sa pelikulang Pangako ng Kahapon.

"One of the turnarounds of my career, because from matinee idol naging kontrabida ako, 'yun 'yung 'Pangako ng Kahapon,' under Direk Joel Lamangan.

"Isa pang milestone of my life is 'Rizal sa Dapitan,' where I played the national hero."

Bukod sa pagiging matinee idol at kontrabida, nasubukan na rin ni Albert ang gumanap sa mga sexy movies tulad ng 'Scorpio Nights 2' noong 1999.

"I started experimenting on different characters. Blessing din because lahat naman ng ginawa kong medyo on the sexy side, it's under a very good director. Sexy siya pero mayroon siyang substance.

"Hindi lang 'yung for the heck of being sexy."

Bukod sa pagiging aktor, sumabak na rin si Albert sa pagdidirehe ng pelikula. Kinilala siyang Best Director noong 2011 sa FAMAS Awards para sa pelikulang 'Rosario' na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

"It's very challenging kasi you're in control of everything," kuwento ni Albert sa pagiging direktor.

"'Yung mga artista, nagpapahinga. 'Yung direktor, continuously working 'til morning.

"It's a very taxing job but very fulfilling."

Bukod sa kanyang karera sa showbiz, napag-usapan rin ni Albert ang kanyang personal na buhay at kung handa na siyang umibig muli.

Namatay noong 2015 ang asawa ni Albert na si Liezl Sumilang dahil sa sakit na cancer.

Handa na kaya muling umibig ang aktor? Panoorin:

Ngayong 2021, balik-Kapuso si Albert sa pamamagitan ng afternoon drama na Las Hermanas, kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.

Bukod kay Albert, maraming celebrities din ang nagbabalik Kapuso ngayong 2021. Kilalanin sila DITO: