GMA Logo Albert Martinez Liezl Martinez
What's Hot

Albert Martinez on late wife Liezl Martinez: 'She's my best friend'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 26, 2021 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Albert Martinez Liezl Martinez


Pumanaw noong 2015 ang asawa ni Albert Martinez na si Liezl Martinez dahil sa sakit na cancer.

Sa episode ng 'Tunay na Buhay' noong Miyerkules, inalala ng beteranong aktor na si Albert Martinez ang kanyang yumaong asawa, ang aktres na si Liezl Martinez.

Ayon kay Albert, hindi naging madali ang love story nila ni Liezl pero nakayanan nila ang lahat ng problema dahil sa pagmamahalan nila sa isa't isa.

Pag-alala ni Albert, "The best part of [our love story] it's you and me against the world dahil lahat pinaglaban namin just to be together."

"Hindi ganun kadali 'yung mag-elope, especially 'yung mother-in-law ko was so upset about it, and nag-struggle kami from scratch."

Ang ina ni Liezl ay ang aktres na si Amalia Fuentes.

"'Yung relationship namin as husband and wife is so strong, kaya namin labanan kahit anong itapon sa amin na problema."

Namatay si Liezl noong 2015 matapos ang mahigit 7 taong pakikipaglaban sa sakit na cancer.

"She's my best friend, and she handles everything for me.

"Ako lang, I can work. That's it. The rest siya lahat nagha-handle. And she really took care of me so well.

"Pero 'yung nami-miss ko lang 'yung moment namin dito na talking, mga conversations namin."

Ngayon, kung hindi nagtatrabaho si Albert ay busy siya sa pagiging "yayalolo" ng kanyang tatalong apo.

Panoorin ang tunay na buhay ni Albert:

Bukod sa pag-aalaga ng kanyang mga apo, inaalagaan din ni Albert ang kanyang mga sasakyan.

Ayon kay Albert, mayroon siyang mahigit 20 sasakyan na kanyang kinokolekta, mapa-bago man o luma.

Tingnan ang car collection ni Albert:

Ngayong 2021, balik-Kapuso si Albert sa pamamagitan ng afternoon drama na Las Hermanas, kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.

Bukod kay Albert, marami ding celebrities ang nagbabalik Kapuso ngayong 2021. Kilalanin sila DITO: