
Aminado ang batikang aktor na si Albert Martinez na mami-miss niya ang kanyang mga apong sina Adalynn Riley, Arturo Alberto Alfred, at Amati Mari kapag nagsimula na ang lock-in taping ng teleseryeng Las Hermanas.
Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ikinuwento ni Albert na ang kanyang mga anak at apo ang nakakapagpasaya sa kanya ngayong may pandemic.
“Iba pa rin 'yung yayakapin mo, makikita mo mag-smile sila,” saad ni Albert.
“So 'yun lang siguro 'yung mami-miss ko.”
Dagdag pa ni Albert, kung papasukin ng kanyang mga apo ang showbiz ay “100 percent” niya itong susuportahan.
“I will support but I will not naman push them.
“But, if they so decide to do whatever they want, I'll be there to support them 100 percent.”
Kilalanin ang mga cute na apo ni Albert sa gallery sa ibaba:
Samantala, nagkuwento rin si Albert tungkol sa mga kasamahan niya sa Las Hermanas na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.
“Komportable na kami with each other kasi nga 'yung script reading namin parang actual take, e,” pagtatapos ni Albert.
Panoorin ang buong report sa video sa itaas. Kung hindi ito gumagana, pumunta DITO.
Abangan ngayong 2021 ang Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.