GMA Logo Alden Richards and Bea Alonzo
What's on TV

Alden Richards at Bea Alonzo, komportable na nga ba sa isa't isa sa 'Start-Up Ph?'

By EJ Chua
Published May 11, 2022 7:15 PM PHT
Updated August 29, 2022 9:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rainy weather over parts of PH due to Ada, amihan
LGU offices in Lambunao, Iloilo ransacked; cash, laptops stolen
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Bea Alonzo


Alden Richards, umamin na minsan ay nagpapaka-fanboy siya habang ka-eksena ang award-winning actress na si Bea Alonzo.

Ipinasilip ng Start-Up Ph sa mga Kapuso ang ilang kaabang-abang na eksena nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Sa report nina Lhar Santiago at Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras noong Martes, May 10, bukod sa patikim na mga eksena, ibinahagi rin nina Alden at Bea ang kanilang pakiramdam sa proyektong ito.

Kuwento ni Alden, “We did quite a lot of workshops, madali rin naman kasing pakibagayan… I mean we talked a lot off-cam.”

Pagbabahagi naman ng This Generation's Movie Queen na si Bea Alonzo, tila komportable na siyang katrabaho ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.

Kuwento ng aktres, “Playful siya sa set, of course I knew that before pero extra playful siya rito. Maybe because ano n'ya ito, matagal na niyang tahanan ang GMA. So, he's very comfortable around everyone. He is very playful that way…”

Pag-amin ni Alden, “Kanina when we were doing a scene sabi ko, Idol ko 'to dati eh. I mean this very talented woman. I used to look up to her noong hindi pa ako artista. Mayroon lang na nostalgic feeling na parang wow ngayon ka-eksena mo na, seryoso ba 'to?”

Ayon sa Philippine production ng programa, nabigyan sila ng laya ukol sa ilang elemento sa kuwento upang mas maka-relate ang maraming Pilipino sa bawat istorya ng mga karakter na mapapanood dito.

Gaganap sina Alden at Bea sa Philippine adaptation ng Start-Up bilang sina Tristan “Good Boy” Hernandez (Han Ji-pyeong) at Danica "Dani" Sison (Seo Dal-mi).

Abangan ang kanilang mga kuwento sa nalalapit na pagpapalabas ng isa sa pinakaabangang programa sa GMA Telebabad!

Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng Start-Up Ph sa gallery na ito: