
Sa darating na Agosto, isa sa mga dapat abangan na episode sa pinakamasayang game show ngayon sa GMA na Family Feud ay ang pagbisita nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Bago ang inaabangang first Kapuso series ni Bea at una ring pagtatambal nila ni Alden sa Philippine adaptation ng Korean series na Start-Up ay sasabak muna ang dalawa sa matinding hulaan ng top survey answers sa nasabing game show kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Makakasama nina Alden at Bea sa kanilang paglalaro ang ilan sa kanilang Start-Up Ph co-stars gaya nina Jeric Gonzales, Royce Cabrera, at Jackie Lou Blanco.
Ang nasabing episode ay magsisilbi ring mini-reunion nina Bea at Dingdong na minsan na ring nagsama sa pelikula.
Samantala, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.
Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 ng hapon sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG BEHIND-THE-SCENE PHOTOS SA LOCK-IN TAPING NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: