IN PHOTOS: SpARkle 101 Professionalism and Work Ethic Workshop with Alden Richards

Kahit patuloy na namamayagpag ang kaniyang pangalan at husay sa pag-arte sa larangan ng show business, nananatiling humble at kind si Alden Richards hindi lang sa kaniyang fans kundi pati na rin sa kapwa niya mga artista.
Nito lamang Martes, July 19, pinangunahan ng 'Start-Up Ph' actor na si Alden ang SpARkle 101 Professionalism and Work Ethic Workshop upang ibahagi ang kaniyang mga nalalaman at natutunan sa halos labing-isang taon niyang pamamalagi sa entertainment industry.
Silipin ang ilang kaganapan sa katatapos lang na successful workshop sa gallery na ito:











