
"NAGSAMA ANG DALAWANG GWAPO!"
Ito ang saad ng GMA Pictures dahil magkasamang nanonood ng Samahan ng mga Makasalanan sina Alden Richards at Reverend Sam ng pelikula na si David Licauco.
Ang block screening ng Samahan ng mga Makasalanan ay isinagawa ng Myriad na multimedia company ni Alden.
Saad pa ng GMA Pictures sa kanilang post, "Sumakses ang 'Samahan Ng Mga Makasalanan' block screening na isinagawa ng 'Myriad' kasama si Alden Richards!"
RELATED GALLERY: Behind the scenes of 'Samahan Ng Mga Makasalanan'
Bukod kina Alden at David, naging bahagi rin ng block screening ang iba pang cast ng Samahan ng mga Makasalanan na sina Betong Sumaya, Jay Ortega, at Jade Tecson.
Huwag magpahuli at manood na ng Samahan ng mga Makasalanan. Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.
Samantala, narito ang mga sinehan kung saan mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan: