
Sorpresang bumisita si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Palatiw Elementary School sa Pasig para isulong ang adbokasiya niya sa edukasyon.
Gustong hikayatin ni Alden na magbasa ng mga libro ang mga mag-aaral kaya sumalang siya sa isang book reading activity.
"The field of education kasi madaming facets, hindi lang siya about going to school. There are a lot of facets when it comes to encouraging kids to read, to write, to do all the old school stuff, kasi parang at some point, for some reason, naiiwan na siya," lahad ni Alden.
Binasa niya para sa mga estudyante ang children's book na "Si Migoy, Ang Batang Tausug" para i-encourage ang good reading habits at para ipakilala ang kultura sa Mindanao.
Bukod dito, excited na rin si Alden para sa Lights, Camera, Run: Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino na charity fun run ng Mowelfund.
"Nakakatuwa, sobrang happy kami sa performance ng registration. Ang daming gustong sumuporta so I'm very excited to announce na ang daming mga kaibigan ko sa industriya ang sasama sa atin dito. Pero isosorpresa ko kung sino sila," aniya.
Hindi naman daw alintana ni Alden ang sunud-sunod na mga showbiz at personal passion projects.
"If you set your priorities properly and with the way I live my life right now, I put purpose first before anything else, everything else follows. Always keep your faith and si Lord na bahala sa lahat," paliwanag ni Alden.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa ibaba.