GMA Logo Alden Richards at Kathryn Bernardo
What's Hot

Alden Richards at Kathryn Bernardo, emosyonal na nagyakap sa premiere night ng 'Hello, Love, Again'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 13, 2024 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Tanghalan ng Kampeon' grand finalist Eula Bautista gives health update after fainting on stage
Sakop sa NPA nga dunay warrant of arrest sa kasong murder, dakpan | One Mindanao
Meralco to increase power rates this March

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards at Kathryn Bernardo


Parehong naging emosyonal sina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos nilang mapanood ang pinagbibidahan nilang pelikulang 'Hello, Love, Again.'

Emosyonal na nagyakap sina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos nilang mapanood ang kanilang pelikulang Hello, Love, Again kasama ang kanilang mga katrabaho sa industriya at mga tagahanga.

Sa post ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram, makikitang nagyakap habang umiiyak sina Alden at Kathryn matapos ang showing ng Hello, Love, Again.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ang Hello, Love, Again ang kauna-unahang film collaboration sa pagitan ng GMA Pictures at Star Cinema.

Pinagbibidahan ito nina Alden at Kathryn na muling gaganap bilang Ethan at Joy, dalawang taong nagmamahalan na muling nagkita sa Canada matapos ang limang taon.

Mapapanood na sa mahigit 500 sinehan sa buong Pilipinas ang Hello, Love, Again.

BALIKAN KUNG ANO ANG NANGYARI SA PREMIERE NIGHT NG 'HELLO, LOVE, AGAIN' SA MGA LARAWANG ITO: