GMA Logo Alden Richards Kathryn Bernardo
What's Hot

Alden Richards at Kathryn Bernardo, excited na mag-food trip sa Canada

By Kristian Eric Javier
Published July 19, 2024 1:38 PM PHT
Updated July 21, 2024 9:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Kim Atienza celebrates 15 Years of partnership with wellness brand
9,000 tricycle drivers in Bacolod qualify for DSWD fuel subsidy

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards Kathryn Bernardo


Planado na ang mga gagawin nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Canada habang nasa taping ng 'Hello, Love, Again'.

Excited na ang mga bida ng romance film na Hello, Love, Again na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo na simulan ang paggawa ng sequel ng kanilang 2019 film. Katunayan, ngayon pa lang ay nagpaplano na ang dalawa ng mga pupuntahan nila habang nasa Canada para sa three weeks na taping ng kanilang pelikula.

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Alden para sa 24 Oras kagabi, Hulyo 18, sinabi niyang ilan sa mga plano nila ay puntahan ang mga restaurant doon para mag-food trip.

“May mga restaurants na parang gusto kaming i-try and at the same time, of course maganda kasi du'n sa area na 'yun e, so siyempre on our free days, siyempre kasama 'yung ibang cast, we might go there,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Food trip, food trip, sarap kumain.”

BALIKAN ANG MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA 'HELLO, LOVE, AGAIN' MULA SA KANILANG MEDIA CON SA GALLERY NA ITO:

Ang Hello, Love, Again ay sequel sa 2019 film nila na Hello, Love, Goodbye. Una itong inanunsyo sa isang press conference noong May 19. Dito, inamin ni Kathryn na noon lang nag-sink in sa kanila ni Alden na totoong nangyayari na nga ang ikalawang bahagi ng kanilang pelikula.

“Kagabi pa ako kinakabahan. I don't know why, maybe its more of excitement and halo-halong emosyon but then seeing everybody here ramdam na ramdam namin 'yung support and excitement ninyo. Parang 'yun 'yung nag-fuel sa amin,” sabi pa ni Kathryn.

Dagdag naman ni Alden, “We couldn't be more excited on what's to unfold in the next couple of months pero maraming maraming salamat po sa inyo na nandito ngayon.”

Kuwento pa ng Asia's Multimedia Star, “Hinintay ko rin siya, after seeing the film over and over again, 'yung pangarap na 'yun nasa puso ko lang in the past five years. Finally, dreams do come true talaga.”

Ito ang magiging unang collaboration ng GMA Pictures at Star Cinema kaya naman lalong na-excite sina Kathryn at Alden sa kanilang pelikula.

Panoorin ang naging interview ni Alden dito: