
Kitang-kita ang naging success ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil hindi pa ito tapos ipalabas sa sinehan, marami na nga ang humihirit ng next project ng dalawa.
Biro ni Alden, "Kung magkakaroon ng part 3 ang Hello, Love, Again, sana dito na sa Manila."
Paliwanag ng Asia's Multimedia Star na pareho namang Pilipino sila Joy at Ethan kaya mas magandang sa Pilipinas naman ang sequel nito.
"Oo, dito na lang para hindi skeletal crew," ani Kathryn.
"Para full production," tumatawang dagdag ni Alden.
Naitanong rin sa dalawa kung ano ang gusto nilang next project.
"We're just very open. Kapag may magandang project... open naman ako with anything, basta syempre far from Joy and Ethan," sagot ni Kathryn.
Tukso rin ni Kathryn na hindi naman daw kailangan mag-partner at baka maging mag-kuya pa sila o magpatayan sa next project.
Dagdag ng aktres, "Basta a different flavor would be interesting."
Sabi naman ni Alden na lagi silang nag-babase sa ganda ng istorya, lalo na mas komportable na raw sila sa isa't-isa.
Samantala, nakarating na rin ang success ng pelikula sa ibang bansa dahil ito ay nakasama sa top 10 films sa U.S. Ang Hello, Love, Again ay nasa top 8, na kumita ng $2.4 million sa unang pagbubukas nito noong weekend.
Kaya huwag magpahuli, sugod na sa mga sinehan dahil mapapanood pa rin ito sa 1,000 cinemas worldwide!