What's Hot

Alden Richards at Ken Chan, may mahalagang parte sa debut ni Jillian Ward

By Marah Ruiz
Published February 4, 2023 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards and ken chan


Kabilang sina Alden Richards at Ken Chan sa mga may mahahalagang role sa debut ni Jillian Ward. Alamin dito:

Personal na inaasikaso ni Jillian Ward ang engrande debut niya na idadaos sa isang five-star hotel ngayong buwan. Sa February 23 ang 18th birthday ni Jillian.

Source: jillian/IG

Imbitado ang kanyang mga kaibigan mula sa showbiz at ang co-stars niya sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay na Pangarap.

Ayon kay Jillian, halos kumpleto na rin ang programa tulad ng mga taong maghahandong sa kanya ng tradisyunal na 18 roses at 18 candles.

"Si Tito Dominic Ochoa, si Tito Michael ko dito sa 'Abot Kamay na Pangarap'; si Kuya Ken Chan and si Kuya Alden [Richards]. Nakakatawa nga po kasi si kuya Alden po nung GMA Thanksgiving Gala pa lang po nung July, kinontrata na po namin siya ni mama," bahagi ni Jillian.

Nagpaabot naman ng mga pabati ang kanyang mga Abot Kamay na Pangarap co-stars.

"Kung ano man 'yung wish na gusto niya, sana matupad. Continuous lang 'yung blessings na nakukuha niya kasi napakabait niyang bata. She's very talented, napaka magalang," lahad ni Carmina Villaroel.

"We wish you all the best and we love you," simpleng mensahe naman ni Richard Yap.

"Thank you for your engery, sobrang contagious niya. You're a very hardworking individual and I know you're gonna go a long way," mensahe naman ni Andre Paras.

"We're all looking forward to your wonderful celebration. We all can't wait to party with you. All the best, anak. We love you so much," pagbati ni Pinky Amador.

Panoorin ang buong panayam ni Jillian sa 24 Oras sa video sa itaas.

SAMANTALA, SILIPIN NAMAN ANG BIRTHDAY PARTY NI JILLIAN WARD BILANG DOC ANALYN SA ABOT KAMAY NA PANGARAP: