
Usap-usapan online ang unang pagtatambal nina Alden Richards at Nadine Lustre sa romantic-comedy series na Love, Siargao.
Hindi napigilan ng fans at viewers na mapansin ang umaapaw na chemistry nina Alden at Nadine sa serye.
Marami ang nagsabing natural ang bawat eksena ng dalawang aktor dahil sa kanilang mahusay at natural na pagganap.
Sa istorya, ngayong nalaman na ni Jao (Alden Richards) ang sikreto ni Kara (Nadine Lustre)—na kilala pala nito si Allie (Coleen Garcia), na siya rin nilang hinahanap—mas lalo pang excited ang viewers na malaman ang susunod na mangyayari sa namumuong pagkakaibigan nina Jao at Kara.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans at viewers sa chemistry nina Alden at Nadine:
Noong nakaraang linggo, nanguna ang Love, Siargao sa Viu Philippines matapos itong ipalabas sa streaming platform noong June 26.
Patuloy na mapapanood ang mga bagong episode ng Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'