
Simula noong napapanood na sa GTV at GMA-7 ang fun noontime program na It's Showtime, maraming Kapuso stars ang bumisita at nakisaya sa madlang people.
Ngayon at magdidiwang na sila ng kanilang 15th anniversary, espesyal na binalikan ng hosts ang tumatak na Kapuso guests sa programa.
Para kay Vhong Navarro, hindi niya akalain na si Asia's Multimedia Star Alden Richards ay makakabisita noon sa studio.
"Ang memorable sa akin si Alden," sabi ni Vhong. "Parang ito kasama namin, nag-guest sa amin. Napaka-imposible dati pero eto katabi na namin tapos ang bait-bait pa."
Hindi naman makakalimutan ni Jhong Hilario ang energy na dinadala palagi ng Pulang Araw star na si Barbie Forteza.
Aniya, "Grabe kasi 'yung energy niya, e. 'Yung talagang Showtime talaga. Kaya kapag pinapa-sample namin ng 'What's up, Madlang People' talagang sabog-sabog lahat talaga ng audience. Napaka-energetic niya."
Memorable para kay Kim Chiu na makilala rin si Barbie at ang Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose. Siyempre kasama rin sa kanyang listahan ang Kapuso comedian at binibirong regular guest na ng programa na si Rufa Mae Quintos.
"Si Rufa Mae, 'Go,go go!' Iba talaga ang dalang energy at saka si Julie Anne, sobrang nice. Binabati niya kaming lahat (dito)," pahayag ni Kim.
Masaya naman si Karylle na makita muli ang Encantadia cast at makasama ang new generation Sang'gre.
Kuwento niya, "Ako naman 'yung last year na nag-Encantadia reunion kami and then siyempre 'yung mga new generation din na nagpunta na rin dito. Pero hindi pa po kami nakukumpleto. Si Glaiza (de Castro) nandito, si Gabbi (Garcia), at si Sanya (Lopez) so sana parang both OG and 'yung current sana magsama din kami."
Para naman kay Vice Ganda, labis ang tuwa at aliw niya na makita sa It's Showtime studio ang GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Pictures, na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
"Sa akin ang pinaka memorable na guesting, dumating dito sa studio si Ms. Annette. Nasa ABS-CBN compound 'di ba? Ako na ha-happy talaga ako doon, e. Kahit dati 'yung ABS bosses pumunta ng GMA Network compound, 'di ba? Ang saya noon, e. Tapos si Ms. Annette pumunta pa mismo sa studio natin. Who would have ever thought 'di ba, that it would be possible. Then it really became possible. Nakita ng mata ko at nasaksihan ko, 'Ang galing no? Ang galing-galing niya.' Nakakatuwa 'yung ganitong pagkakataon," ibinahagi ni Vice.
Dagdag din niya na hangang hanga rin siya sa talento ng dalawang Kapuso singers na sina Hannah Precillas at Garrett Bolden.
Ang kanilang grandeng 15th anniversary celebration ay gaganapin sa October 26 at ang simula ng Magpasikat 2024 sa October 21.
Balikan ang mga nangyari sa kanilang Thanksgiving mass at media conference day, dito: