GMA Logo Alden Richards as Mowelfund board member
Source: aldenrichards02/IG
What's Hot

Alden Richards, board member na ng MOWELFUND

By Kristian Eric Javier
Published September 27, 2023 11:54 AM PHT
Updated September 27, 2023 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards as Mowelfund board member


May bagong "role" si Alden Richards. Ano kaya ito?

May panibagong role ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa showbiz industry at iyon ay ang pagiging pinakabagong Board of Trustees member ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. o MOWELFUND.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ang MOWELFUND ay isang organisasyong tumutulong at nagbibigay suporta sa mga nagtatrabaho sa film industry. Pinangungunahan ito ng president at CEO na si Rez Cortez, at iba pang board members tulad nina Gina Alajar at Boots Anson Roa, na present din sa oath taking ng aktor.

“Naghahanap na talaga ako ng ways paano ba ako makakapagbigay pabalik sa isang ndustriya na nagpabago ng buhay ko. 'Yun, binigay sa'kin ni Lord si MOWELFUND,” sabi ni Alden sa interview niya kay Cata Tibayan sa Chika Minute para sa 24 Oras.

Bukod sa pagiging bagong board member ng organisasyon ay naging hands-on producer din siya ng upcoming movie nila ni Julia Montes na Five Breakups and a Romance. Kuwento ng aktor, sobrang dami ng ideas ang naiisip nila sa mga meeting na napapanaginipan na niya ito.

Bukod pa dito, isang eksena rin sa pelikula ay siya mismo ang nag-direct. Kuwento ni Alden, bigla na lang siyang nilapitan ng kanilang direktor na si Irene Villamor at sinabihan na i-direct ang isang eksena.

Pag-alala ng aktor, 'Si Direk Irene came up to me, nasa Singapore kami nun, 'I-direk mo 'yan,' tapos umalis. 'Ok po.' Tayo agad ako, punta ako sa AD (Assistant Director), punta ako sa DOP (Director of Photography) namin.”

“Ganun siya e. Pupuntahan namin 'yung location, babasahin namin 'yung script, ano 'yung elements na incorporated sa script na puwedeng maging additional detail for the scene, the framings, the blockings of the actors, basta lahat 'yun,” dagdag nito.

Ayon kay Alden ay challenging man ang pag-drect niya sa eksena dahil umuulan sa kanilang location ay masarap naman ito sa kanyang pakiramdam. Sinabi rin niyang ire-reveal lang niya ang eksenang dinirek niya kapag lumabas na ang pelikula sa October 18.

Panoorin ang buong 24 Oras interview ni Alden Richards dito: