
Inilahad ni Kapuso star na si Alden Richards at ng co-star niyang si Julia Montes ang dahilan kung bakit nila kinuha ang movie project na Five Break-Ups and a Romance.
“Coming from the success of Hello, Love, Goodbye, siyempre it broke records. Natakot po ako to accept projects in terms of movies kasi lalo pa't 'yung pagtingin ko sa details ang gagawin project is medyo if course, tumaas din 'yung standards ko,” pahayag ni Alden sa panayam ni Nelson Canlas para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.
Samantala, ipinagtataka naman ni Julia kung bakit, sa dinami umano ng aktres na puwedeng gumanap sa pelikula, siya ang napili.
“'Yung time na before dumating 'yung project, that's my question also sa sarili ko po, ano bang gusto kong gawin? Ano pa bang kaya kong gawin? Kasi hindi talaga ako nagta-trust sa kaya kong gawin,” sani ng aktres.
Dagdag pa nito, “So with this project, first time ko pong napa-oo agad ng parang wala nang isip-isip.”
BALIKAN ANG CAST PARTY NG 'FIVE BREAK-UPS AND A ROMANCE DITO:
Huling napanood si Alden sa 2019 film na Hello, Love, Goodbye, bago niya kunin ang proyektong ito, at isa pang pelikula kasama naman si Sharon Cuneta. Sa kabilang banda, si Julia ay noong 2016 pa nang huling lumabas sa pelikula.
Samantala, isang scene drop mula sa pelikula ang nag-viral kung saan makikita ang mga karakter nina Alden at Julia na mayroong matidning pinagtatalunan sa gilid ng swimming pool.
Sa interview nila kay Nelson, ibinahagi ni Alden na “tip of the iceberg” lang ang nakita sa buong eksena, at sinabing dapat mapanood ng buo para mas maramdaman ang emosyon mula dito.
Nagbigay naman ng advice si Julia para sa mga taong nasa long-term relationship.
“And isang long-term relationship, hindi lang naman nagko-consist ng isang away, iba-ibang level of away and it depends lang talaga sa couple kung lalaban ba sila hanggang dulo.\,” sabi nito.
Dagdag pa ng aktres, “Actually, that's the part of the question from the film e. Ang dalawang nagmamahal, hanggang kailan ba sila lalaban o kailan ba sila susuko sa isa't-isa.”
Panoorin ang interview nila rito: