
Sa pagdalaw ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Davao, pinuntahan rin niya ang isa sa historic sites dito.
Bumisita ang aktor sa 300-meter, two-way Japanese tunnel na nasa Matina, Davao City.
Ang tunnel na ito ang nagsilbing headquarters ng mga mananakop na Hapones noong World War II.
Nasilayan ni Alden dito ang ilang artifacts ng mga kagamitang pang-giyera ng mga Hapon pati na ang mga opisina at jail facilities nito.
Magagamit daw niya ang mga bagong kaalaman na nakuha niya dito sa kanyang upcoming series na Pulang Araw na World War II ang setting.
"Ine-enrich nito 'yung experience ko while doing my character. Also, it enriched my knowledge and mga ideas ko about what really happened," lahad ni Alden.
Naging hamon daw para kay Alden ang mga eksena niya sa gitna ng giyera at pati na ang makalumang paraan ng pagsasalita ng Filipino.
"Ngayon lang ako talaga nag-full on character na involved sa giyera. Wala ako masyadong good side dito. May good side man pero hindi siya 'yung pakitang pakita. Mahilig [siya] sa away pero ang nananig kaso doon palagi is 'yung pagmamahal niya sa bayan niya at sa mga taong mahal niya," paliwanag ng aktor.
SILIPIN ANG PAGLIBOT NG LEAD STARS NG PULANG ARAW PARA IPAGDIWANG ANG ARAW NG KALAYAAN DITO:
Mapapanood ang Pulang Araw simula July 26 sa streaming giant na Netflix at sa GMA Prime simula July 29.
Panoorin ang buong ulat ni Rgil Relator ng GMA Regional TV One Mindanao sa video sa itaas.