GMA Logo Alden Richards
Image Source: aldenrichards02 (Instagram)
What's on TV

Alden Richards, grateful sa pagkakataong gumanap ng strong character sa 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published December 27, 2024 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Ipinagpapasalamat ni Alden Richards na nagkaroon siya ng pagkakataong gumanap ng isang strong character sa 'Pulang Araw.'

Malaki ang pasasalamat ni Kapuso actor Alden Richards sa pagiging bahagi ng GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.

Nabigyan kasi siya ng serye ng pagkakataong gumanap ng isang strong character. Gumanap si Alden sa serye bilang Eduardo, isang estudyanteng magiging guerilla nang pumutok ang giyera.

"Ang hindi ko makakalimutan sa Pulang Araw is 'yung opportunity na binigay sa akin ng show para gumanap bilang isang guerilla and ipaglaban ang ating bayan laban sa mga mananakop. I think ito 'yung isa sa mga pinakamalakas na character na na-portray ko in terms of how he wants to make a change sa kanyang paligid dahil hindi ito akma sa kanyang paniniwala," pahayag niya.

Masaya rin daw siya dahil isa itong paraan para gunitain at magbigay-pugay sa mga taong lumaban sa giyera.

"Siyempre ang dami talaga nating nagawang mga eksena sa Pulang Araw na directly derived from all the stories and anecdotes of different individuals who have lived during World War II. And for us to retell those kinds of stories, parang kahit papano, mabigyan naman natin ng honor 'yung mga taong dumaan sa ganoong bahagi ng buhay nila," lahad ni Alden.

Alden Richards in Pulang Araw

Image Source: gmadrama (Instagram)

Sa nalalapit ng pagtatapos ng Pulang Araw, nasa bingit na ng pagkatalo sa giyera ang mga Hapon.

Hinahanap pa rin ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) si Teresita (Sanya Lopez) at muli niyang makakaharap si Eduardo (Alden Richards).

Nauubusan na rin ng lugar na lilikasan sina Adelina (Barbie Forteza) at Hiroshi (David Licauco) kung saan mananatili silang ligtas mula sa pagbagsak ng mga bomba.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.