
Lumipad na patungong Canada ang Pulang Araw actor na si Alden Richards para sa shooting ng pelikulang Hello, Love, Again kasama ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Bukod sa shooting ng pelikula, nakatakda ring magpasaya ng mga Pinoy abroad si Alden sa Canada at Amerika ngayong Agosto ayon sa post ng Sparkle GMA Artist Center.
“Alden Richards is off to Canada to film 'Hello, Love, Again.' He's then hitting the road for the Sparkle World Tour in USA and Canada!” post ng Sparkle sa X.
Alden Richards is off to Canada to film 'Hello, Love, Again.' He's then hitting the road for the Sparkle World Tour in USA and Canada! #AldenRichards pic.twitter.com/9Ao24I8zBr
-- Sparkle GMA Artist Center (@Sparkle_GMA) July 27, 2024
Ang Hello, Love, Again ay ang sequel sa 2019 hit film na Hello, Love, Goodbye. Sa nasabing sequel, muling bibigyang-buhay nina Alden at Kathryn ang kanilang mga karakter bilang sina Ethan Del Rosario at Joy Marie Fabregas.
Matatandaan na Hong Kong ang naging main location ng Hello, Love, Goodbye, kaya naman nagkaroon na ng unang shooting ng ilang mga eksena rito sina Alden at ang direktor na si Cathy Garcia-Sampana noong Hunyo.
May 2024 nang pormal na ianunsyo ang Hello, Love, Again, na nakatakdang mapanood sa mga sinehan sa bansa sa November 13.
Samantala, mapapanood naman si Alden bilang si Eduardo Dela Cruz sa highly-anticipated series ng GMA na Pulang Araw simula ngayong July 29, sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: 'Hello, Love, Again': Alden Richards and Kathryn Bernardo, excited and happy about their movie reunion