GMA Logo alden richards and julie anne san jose
What's on TV

Alden Richards, inaming humingi ng tawad kay Julie Anne San Jose: 'Naiwan ko po siya'

By Jimboy Napoles
Published January 25, 2023 5:14 PM PHT
Updated January 27, 2023 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards and julie anne san jose


Nagsalita na si Alden Richards sa naunsyaming relasyon nila ni Julie Anne San Jose sa 'Fast Talk With Boy Abunda.' Basahin dito:

Matapang na inamin ni Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda na muntik na niyang maging girlfriend ang kaibigan at aktres na si Julie Anne San Jose.

Sa episode ng naturang programa ngayong Miyerkules, tinanong ni Tito Boy si Alden kung sino sa mga artistang na-link sa kanya ang muntik na niyang maging girlfriend.

Matagal muna na hindi sumagot si Alden at saka sinabing, “Si Winwyn [Marquez] po at si Julie [Anne San Jose].”

Agad naman na tinanong ni Boy kung bakit hindi natuloy ang kanilang relasyon ni Julie. Dito ay madamdamin na inilahad ni Alden ang tunay na nangyari.

“It was my fault po Tito Boy,” ani Alden.

Paglilinaw ni Alden, “I decided to focus na lang talaga sa work.”

Matatandaan na taong 2013 nang unang ma-link sina Alden at Julie dahil sa closeness nila noon sa set ng Party Pilipinas.

Sa kasagsagan ng AlDub love team nina Alden at Maine Mendoza, patuloy pa ring iniuugnay ang dalawa dahil sa pagsasama nila sa Sunday Pinasaya.

Inilahad ng aktor na kinausap niya na noon si Julie sa rehearsal ng Sunday Pinasaya upang humingi ng tawad dahil pag-amin niya, “naiwan ko po siya.”

Sabi ni Alden kay Julie, “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Ayon pa kay Alden, seven years silang hindi nag-usap ni Julie Anne, pero paglilinaw ng aktor ay naka-move on silang dalawa at magkaibigan na sila ngayon.

“Naniniwala po kasi ako that time really heals everything. Mahirap po kasi ipilit [kahit] gusto mong magka-ayos kayo pero 'yung panahon hindi pa tama kasi sariwa pa ang sugat. And hindi po natin madi-dikta sa puso natin kung kailan gagaling 'yun,” dagdag pa ni Alden.

Samantala, mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

MAS KILALANIN SI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: