GMA Logo alden richards on fast talk with boy abunda
What's on TV

Alden Richards, may malaking rebelasyon sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

By Jimboy Napoles
Published January 25, 2023 2:12 PM PHT
Updated January 25, 2023 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards on fast talk with boy abunda


Alamin ang latest kay Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kanyang pagsalang sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Miyerkules.

Isang mula sa pusong usapan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at King of Talk Boy Abunda ang mapapanood ngayong Miyerkules sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matapos ang kaniyang sold-out concert at successful primetime series na Start-Up Ph kung saan nakatambal niya ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo, ano naman kaya ang latest sa Kapuso actor na si Alden?

Matatandaan na kamakailan ay inilunsad din ni Alden ang kanyang sariling esports competition na Myriad Esports Cup. Ang nasabing kompetisyon ay magsisimula na ngayong January 28, na bukas din para sa mga amateur league team.

Sa kanyang pagsalang sa kaabang-abang na “The Talk” interview, kasama ang batikang host na si Boy, ano-ano kaya ang mga rebelasyon na ibabahagi ni Alden? Ito ay kaya ay tungkol sa kanyang mga proyekto sa 2023? Bukas na nga ba siya sa pagpasok sa isang romantic relationship? 'Yan ang dapat abangan mamaya.

Ang Fast Talk with Boy Abunda ay ang pinakabagong multi-platform showbiz news and talk show kung saan isa-isang hihimayin ang mga pinakamaiinit na isyu sa showbiz at bibigyang pagkakataon ang celebrities na sumalang sa kaabang-abang na hot seat interviews.

Dahil sa laganap na ngayon ang fake news at unreliable sources online, layunin din ng programa na maging isang credible go-to source patungkol sa lahat ng mga kaganapan sa showbiz industry.

Mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, SILIPIN ANG CHARMING SELFIES NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: