GMA Logo Alden Richards
What's on TV

Alden Richards, inilahad ang reaksyon sa bashers

By Maine Aquino
Published January 28, 2023 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Alamin ang opinyon ni Alden Richards kung bakit "champion" ang bashers at acting workshops, at kung ano ang hinahanap niya sa ideal girl.

Sinagot ni Alden Richards ang mga iba't ibang tanong ni Paolo Contis tungkol sa bashers, acting workshops, ideal girl, at iba pa sa latest episode ng Just In.

Napanood si Alden bilang unang guest sa bagong season ng online show ni Paolo na Just In.

Sa segment na "Champion o Tapon," inilahad ni Alden na champion ang mga bashers para sa kanya. Saad ni Alden kay Paolo, "Ano'ng sabi mo kanina, Kuya Pao? The more you bash?"

Natatawang sagot tuloy ni Paolo, "The more you earn."

Pagdating naman sa acting workshops, naniniwala raw si Alden na champion ito pero ang bawat aktor ay may kanya-kanyang proseso.

INSET: 13
IAT: Alden Richards
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center/ Just In

Paliwanag ni Alden, "Naniniwala ako na lahat ng aktor may sari-sariling proseso 'yan. Marahil 'yung workshop na ginagawa is hindi applicable at hindi nagwo-work and then ang tendency minsan kapag hindi nagagawa 'yung certain exercises, parang nagiging point of disapproval 'yun for a certain person. Kasi na-experience ko rin 'yun."

Ayon pa kay Alden, pinaniniwalaan rin niyang may iba't ibang paraan ang bawat aktor sa pagdiskubre ng kanilang talento.

"Sobrang daming methods, sobrang daming styles and ways of acting pero at the end of the day, kumbaga kasi ang acting parang diet yan e. Daming diet... pero kung ano 'yung nag-work, doon ka.

Dugtong pa niya, "Ako it's more of to help the actors discover their own process... Of course nakakatulong yung workshop, nakakatulong yung mga styles and methods na itinuturo pero at the end of the day, what works for you?"

Pagdating naman sa ideal girl ay ibinahagi ni Alden kung bakit gusto niya ang babaeng may "big brain."

Ani Alden, "Kapag tumagal ka sa relationship, nari-realize mo na ikaw lang ang nagdadala, at sunod lang nang sunod 'yung partner mo. 'Pag hindi nagkakaroon ng sariling desisyon 'yung partner, ang unfair naman kasi laban ito ng dalawang tao eh.

Saad pa ng Kapuso star, "Kung ikaw lang mag-isang nag-iisip at dumidiskarte sa relationship, at the end of the day, mag-isa ka lang din."

Panoorin ang segment na ito ng Just In:

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI ALDEN RICHARDS DITO: