GMA Logo alden richards
What's on TV

Alden Richards, paano hinarap ang mga masasakit na salita sa showbiz?

By Maine Aquino
Published January 19, 2023 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


Inamin ni Alden Richards na nakatanggap siya masasakit na salita mula sa iba't ibang tao.

Sa kabila ng kanyang kasikatan, humarap din si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa mga pagsubok. Kabilang dito ang pagtanggap ng mga masasakit na salita mula sa iba't ibang tao simula nang siya ay mag-artista.

Inilahad ito ni Alden sa Just In season 4 premiere noong January 18, kung saan tinanong siya ng host Paolo Contis, "May mga nangutya ba sa'yo? May mga na-experience ka ba sa mga direktor, artista, nanay, tatay?"

Pag-amin ng aktor, "Lahat yata ng binanggit mo pasok sa banga. Marami. Lahat ng binanggit mo."

Ayon kay Alden, nahirapan siyang harapin ang mga ito. Pero ang turo sa kanya ang nagsilbing gabay sa mga pagkakataong ito.

Ani Alden, "Mahirap at first. Lumaki kasi ako, naturuan ako na hindi pumatol sa kung ano mang nakukuhang negative towards the other party. Kasi, at the end of the day, hindi naman ako 'yung may kulang sa sarili ko."

Dagdag pa ni Alden, "I know myself, alam ko kung bakit ako nandito. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin sa araw araw na taping. I know my worth."

Paolo Contis and Alden Richards

PHOTO SOURCE: YouTube: Sparkle GMA Artist Center

Dahil sa pagpanaw ng ina ni Alden ay agad nag-mature ng aktor. Ayon kay Alden, iniisip niya na lamang ang priorities niya sa buhay tulad ng kanyang pagsuporta sa pamilya.

"Siguro, that's the thing na at a young age, ang aga ko kasi nag-mature gawa noong namatay 'yung nanay ko.

Paliwanag pa ng dating Start-Up PH star, "Ang iniisip ko lagi, hindi ko sisirain 'yung nasimulan ko dahil lang sa mga taong ito na hindi tanggap kung ano 'yung mga naipapakita ko.

"At the end of the day, sarili ko ang ikukumprumiso ko at saka yung family ko. Sila yung priority ko. That's the reason why I started."

Panoorin ang kwentuhan nina Paolo at Alden sa Just In:

SAMANTALA, TINGNAN ANG CHARMING PHOTOS NI ALDEN SA GALLERY NA ITO: