
Maraming fans ang na-inspire sa guesting ni Alden Richards sa Gandang Gabi Vice matapos siyang maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang love life.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Lunes, September 14, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star ang kanyang reaksyon matapos ang kanyang guesting sa GGV.
"Nagulat din ako sa turnouts, and nagulat din ako sa sarili ko," pag-amin niya.
Para kay Alden, nagkaroon siya ng bagong pananaw sa buhay pagdating sa kanyang love life.
"Ako, siguro, I've reached that realization and age right now wherein I really don't care anymore," pahayag niya.
Dagdag pa niya, "I'm not here to please anyone."
Ibinahagi ni Alden na mas nakatuon siya ngayon sa pagiging isang “blessing” sa buhay ng ibang tao.
"I'm just here to be a blessing to someone else's life. To change their lives with the things I do, with the things I love to do, and for me to be an instrument of blessings," aniya.
Si Alden ang kauna-unahang guest sa pagbabalik ng Gandang Gabi Vice, na ipinalabas sa GMA noong Linggo, September 13.
Mapapanood naman si Alden sa romantic comedy series na Love, Siargao kasama si Nadine Lustre simula September 28 sa GMA at GTV.
Abangan din si Alden sa upcoming medical drama series na Code Grey soon sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED GALLERY: Alden Richards's most swoon-worthy photos