
Isa si Alden Richards sa hinahangaan ng maraming fans at Filipino viewers hindi lang dahil sa talento niya sa pag-arte pero pati na rin sa taglay niyang good looks.
Nito lamang nakaraang linggo, naimbitahan si Alden sa isa sa episodes ng 'Updated with Nelson Canlas Podcast.'
Dito ay unang ibinahagi ng Start-Up Ph lead actor ang tunay na dahilan kung bakit siya nagsumikap na makapasok sa showbiz.
Ibinahagi niya rin na muntik na siyang sumuko noon sa pag-aartista matapos siyang mabigo na makapasok sa StarStruck.
Matapos nilang pag-usapan ni Nelson ang tungkol sa kanyang career, nagkaroon naman sila ng mas malalim na usapan tungkol sa love life ng aktor.
Unang sinagot ni Alden ang katanungan kung naranasan na ba niyang ma-busted.
Sagot niya, “No. Nag-give way, oo.'
Matapos nito ay inamin ng aktor na isang celebrity ang itinuturing niyang 'The One That Got Away' o TOTGA.
Panoorin ang buong detalye sa naging interview kay Alden Richards sa report na ito:
Naghahanda at abala ngayon si Alden sa kanyang mga proyekto sa GMA Network gaya na lamang ng nalalapit na pagpapalabas ng Philippine adaptation ng Korean series na Start-Up, kung saan mapapanood siya bilang si Tristan “Good Boy” Hernandez.
Samantala, tingnan ang career highlights ni Alden Richards sa gallery na ito.