
Pasok ang pelikula nina Alden Richards at Sharon Cuneta na A Mother and Son's Story sa official entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Gaganap silang mag-ina sa drama film na ipo-produce ng Cineko Productions, Inc. at ididirehe ni Nuel Naval.
Sa media conference ng Battle of the Judges, kung saan host si Alden, noong Linggo, July 9, nagkwento ang Kapuso star tungkol sa kanilang samahan ng Megastar na aniya'y parang anak na ang turing sa kanya sa totoong buhay.
"Sobra pong bilis ng mga pangyayari at kulang na lang po yata birth certificate, na parang whole-packed family na po kami ni Ms. Sharon," ani ng Asia's Multimedia Star.
"Gusto po niyang tawag ko sa kanya 'mama' kasi kapag tinawag ko po s'yang Ms. Sharon, sinasabi po n'ya na 'teacher mo ba 'ko?'"
Ayon pa kay Alden, matagal na niyang gustong makatrabaho ang beteranang aktres kaya dream come true para sa kanya nang sila ang napiling magbida sa A Mother And Son's Story.
Bahagi niya, "Parang nagpasa po sa amin ng script ang Cineko then binasa po namin, inaral po namin 'yung laman.
"Ang ganda no'ng script pero hindi ko po alam kung sino ang makakasama ko, kung sino magpo-portray no'ng mother role.
"Mayroon na po akong idea pero bago ko pa lang po ma-suggest 'yung idea ko, 'yun na po 'yung lumabas sa kanila na si Ms. Sharon po 'yung makakasama ko."
Nabanggit din ni Alden na kabilang sa bucket list niya na makasama sa isang proyekto ang Megastar.
"May nag-resurface pong video na during The World Between Us, interview po 'yun I think with pep.ph na 'yung bucket list ko po na sino sa mga veteran actor na gusto kong makasama pa, kasama po doon si Ms. Sharon.
"And 'yun nga po 'yung manifesting lately, parang it's really working."
Samantala, bago mapanood si Alden sa big screen sa Disyembre, mapapanoond muna siya sa GMA talent competition na Battle of the Judges, na magpe-premiere na ngayong Sabado, July 15, 7:15 p.m.
iya ang magsisilbing host ng programa, kung saan parte rin ang ilang bigating pangalan sa showbiz na sina Boy Abunda, Jose Manalo, Bea Alonzo, at GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na lalabas bilang mga hurado.
NARITO ANG PASILIP SA SET NG BATTLE OF THE JUDGES: